webnovel

Ang mga text message sa phone (15)

Editor: LiberReverieGroup

Teka lang, bakit nagbibihis si Lu Jinnian?

Noong narinig ni Qiao Anhao na lumabas si Lu Jinnian ng changing room, hindi

niya napigilang mapakunot ng noo. Hindi pa man din niya napoproseso ang

mga nangyayari, narinig niya naman na dahan-dahan nitong isinasara ang

pintuan ng kanilang kwarto.

Nang maramdaman niyang tahimik na ang paligid, dahan-dahan niyang inimulat

ang kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari kaya

nang marinig niyang nagbukas ang main door, lalo pang kumunot ang kanayng

noo. Hindi na talaga siya mapakali kaya bigla niyang hinawi ang kumot niya at

nagmamadaling bumangon para sumilip sa balcony. Mula doon, nakita niya si

Lu Jinnian na sumakay sa sasakyan nito. Hindi nagtagal, nagbukas ito ang

headlights at tuluyan ng nag'maniobra palabas ng bakuran nila.

Bakit hindi pa natutulog si Lu Jinnian? Saan naman kaya ito pupunta? Lalo na

sa kalagitnaan ng gabi…

Ilang sandali pa ang lumipas na nakatayo lang si Qiao Anhao sa balcony

habang iniisip ang posibleng rason ni Lu Jinnian bago siya tumakbo pabalik ng

kwarto nila. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone para tawagan si ito…

Pero noong oras na 'yun, bigla bumagabag sakanya ang mga sinabi ni Lin

Shiyi.

Sa Four Seasons Hotel… isang foreigner na babae… isang lalaki at isang

babae sa loob ng iisang kwarto… room 1002, ang presidential suite…

Parang sasabog na ang utak ni Qiao Anhao dahil paulit-ulit ang mga salitang ito

sa isip niya.

Hindi niya maipaliwanag kung anong nararamdaman niya pero bigla nalang

nanginig ang kanyang mga kamay kaya nabitawan niya ang kanyang phone na

bumagsak sa isa niyang paa. Namula ang parte na natamaan pero wala siyang

kahit anong naramdaman at nanatili lang siya sa kanyang kinatatayuan, na para

bang bigla nalang siyang namanhid.

Mahal na mahal siya ni Lu Jinnian… Kaya paano nito magagawang maghanap

ng ibang babae?

Pero kasi… Simula noong ikasal sila ni Lu Jinnian, wala pang nangyayari

sakanila kahit isang beses at kahit siya na ang gumagawa ng paraan, kagaya

ng nangyari kanina, hindi niya talaga ito mapilit. Pero… Kanina pinagtanggol

siya nito at noong nagbanggit siya ng ibang lalaki habang nagdidinner sila,

ramdam niya na talagang nagselos ito kaya ibig sabihin, mahal talaga siya ng

asawa niya.

Hindi-hindi-hindi, kailangan niyang magtiwala kay Lu Jinnian… Sigurado naman

siyang may magandang dahilan ang asawa niya kaya bigla itong umalis… Hindi

siya pwedeng magpaapekto sa mga sinabi ni Lin Shiyi…

Umiling si Qiao Anhao ng malakas at habang nakapikit ang kanyang mga mata,

huminga siya ng malalim. Pinilit niyang kumalma kaya paulit-ulit niyang sinabi

sa sarili niya na wag siyang mag-isip ng kung anu-ano. Pero ang nakakatawa

kasi, habang ginagawa niya ito ay lalo lang siyang kinakabahan. Hindi nagtagal,

para siyang nawalan ng lakas at bigla nalang siyang napupo sa kama.

Pinagmasdan niya ang buong paligid at wala siyang ibang maramdaman kundi

ang tibok ng kanyang puso na pabilis ng pabilis sa bawat segundong lumilipas.

Hindi niya maintindihan kung ano ba talagang dapat niyang gawin dahil may

parte sa sarili niya na sinasabing alamin niya ang katotohanan, at may parte rin

na sinasabing wag siyang magalala at magtiwala lang siya sa asawa niya.

Paulit-ulit na nagkontrahan sa kanyang isip ang dalawang ideolohiya hanggang

sa tuluyan na siyang makapag desisyon. Pagkalipas ng matagal na

pagninilaynilay, sa wakas, tumayo at naglakad na rin siya papunta sa changing

room.

Hindi niya alam kung paano siya nakapag'bihis at nakalabas ng bahay pero

noong sandaling nahimasmasan siya, nasa labas na siya ng Mian Xiu Garden

at tumatawag na ng taxi.

Pagkapasok niya sa loob ng sasakyan, dali-dali siyang tinanong ng driver kung

saan siya pupunta. Sa totoo lang, wala talaga siya sa sarili niya kaya ilang

sandali pa ang lumipas bago siya sumagot, "Sa Four Seasons Hotel."

Ala una na ng madaling araw kaya natural lang na wala na masyadong

bumabyaheng sasakyan. Napakatahimik ng kapaligiran at tanging ang

pagharurot lang ng taxi na sinasakyan niya ang naririnig ni Qiao Anhao.

Nakatulala lang siya sa buong byahe kaya hindi niya namalayan na nakarating

na siya sa pupuntahan niya.

Naramdaman ng driver na wala siyang balak kumilos kaya ngtataka itong

tumingin sakanya at tinapik ang likod ng upuan nito para paalalahanan siya.

"Miss, nandito na tayo."

Nang marinig ni Qiao Anhao ang palala ng driver, tumungo lang siya na parang

isang robot at dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan para

bumaba.

"Miss, hindi ka pa nagbabayad!"

Próximo capítulo