Isa pa, hindi ba wedding ring lang naman 'yun?
Ano bang big deal dun? Sino bang nagsabi na kailangan ng wedding ring para
maging magasawa!
Eh gusto nila ni Lu Jinnian na maging espesyal!
Sa totoo lang, gusto sana talaga ni Qiao Anhao na kumbinsihin ang sarili niya
na ayos lang siya, pero hindi niya naman talaga maitatanggi na may lungkot pa
rin kahit papano.
Pero noong sandaling marinig niya ang mga sinabi ni Lu Jinnian, biglang
napalitan ang lungkot na nararamdaman niya ng saya at kilig.
"Lu Jinnian, naging maldita ba ako kanina?"
"Wala akong pakielam kahit mas naging maldita ka pa."
Tunay na napakagandang mga salita…
-
Pagkatapos nilang magdinner, tinawag na rin kaagad ni Lu Jinnian ang waiter
para sa bill. Pero noong sandali ring 'yun, may bigla siyang naalala kaya
itinapat niya ang kanyang kamay kay Qiao Anhao. "Mobile Phone."
Medyo naguluhan si Qiao Anhao noong una, pero hindi nagtagal, naintindihan
niya rin kung anong ibig sabihin ni Lu Jinnian kaya dali-dali niyang inilabas ang
kanyang phone para ibigay dito.
Pagkakuha ni Lu Jinnian ng phone, nagtype lang siya ng mabilisan at ibinalik
din ito kaagad kay Qiao Anhao. "Kapag may nangyari ulit, tawagan mo lang ang
number na 'to."
Sumagot lang si Qiao Anhao ng "oh". Pagkakuha niya ng kanyang phone,
napansin niya na American number ang ibinigay sakanya ni Lu Jinnian. Biglang
kumunot ang kanyang noo at dali-dali siyang tumingin kay Lu Jinnian para
magtanong, "Nasa China ka na ngayon, bakit hindi ka pa gumamit ng domestic
number?"
Noong sandaling 'yun, nakabalik na ang waiter na may dalang card machine
kaya sumagot si Lu Jinnian habang pumipirma, "Sa susunod, kukuha rin ako ng
bagong number. Kapag mayroon na 'ko, sasabihan kita agad."
"Bakit kailangan mo pa ng bagong number?" Nagtatakang tanong ni Qiao
Anhao. "Ayaw mo ba noong dati mo? Diba pwede ka namang bumili ng bagong
sim tapos sabihin mo na yung dating number mo pa rin ang gusto mo?"
Ang dating mobile number…Noong narinig ni Lu Jinnian ang huling sinabi ni
Qiao Anhao, bigla siyang natigilan sa pagpirma. Medyo nanlamig ang kanyang
itsura, pero agad din siyang nahimasmasan at nagpatuloy, ngunit kumpara
kanina medyo mas naiilang siyang magsulat ngayon.
Pagkabalik niya sa waiter ng ball pen na ginamit niya, agad niyang kinuha ang
jacket na sinabit niya sa isang gilid bago sila kumain at walang emosyong
sinabi, "Tara na." Hindi pa man din nakakatayo si Qiao Anhao, bigla siyang
naglakad palabas ng restaurant.
Nagtataka si Qiao Anhao kung bakit biglang lumungkot ang itsura ni Lu Jinnian.
Sigurado naman siya na wala siyang nasabing mali…
Hindi niya talaga maintindihan kung anong nangyari kaya ilang sandali pa
siyang nanatili sakanyang kinauupuan, kakaisip ng mga posibilidad, bago niya
kunin ang kanyang bag at sundan si Lu Jinnian.
Pagkalabas niya ng restaurant, nakapag'maniobra na ito at hinihintay na siya
sa mismong tapat ng pintuan. Base sa nakikita niya, wala namang pinagkaiba
ang itsura ni Lu Jinnian ngayon at noong nagdidinner sila kanina. Ramdam niya
rin na maayos naman ang lahat dahil ito pa nga mismo ang nagkabit ng seatbelt
niya. Ibig bang sabihin nito, siya lang ang nagiisip na nagkaroon ng konting
tensyon bago sila lumabas ng restaurant?
Medyo malalim na ang gabi noong nakauwi sila sa Mian Xiu Garden. Kagaya ng
nakasanayan, si Qiao Anhao muna ang naunang naligo at pagkatapos niya ay
pinag'igiban niya naman si Lu Jinnian.
Noong nasa kama na sila, niyakap lang ni Lu Jinnian si Qiao Anhao, pero wala
silang ginawang higit.
Sinadya ni Qiao Anhao na pumulupot sa braso ni Lu Jinnian, pero hindi kagaya
ng inaasahan niya, hinalikan lang siya nito sa labi at niyakap ng mas mahigpit.
Hindi niya na namalayan kung gaano katagal na silang magkayakap, pero
noong mga oras na 'yun, sobrang dilim at tahimik na ng paligid. Tinamaan na
rin siya ng antok kaya dahan-dahan siyang pumikit, ngunit noong makakatulog
na sana siya, naramdaman niya na maingat na umaalis si Lu Jinnian sa
kanyang tabi.
Noong sandaling 'yun, biglang nawala ang kanyang antok. Hindi niya rin alam
kung bakit hindi siya dumilat kaagad pero mas pinili niyang magpanggap na
tulog at makiramdam.
Narinig niya na maingat na bumangon si Lu Jinnian sa kama at naglakad
papuntang changing room. Ilang sandali ring nanahimik ang paligid pero ang
sunod niyang narinig ay nagbibihis na ito.