webnovel

Ang mga text message sa phone (9)

Editor: LiberReverieGroup

Biglang yumuko si Lu Jinnian at tumawa ng malakas na parang nakarinig siya

ng isang sobrang nakakatawang biro.

Pero nang sandaling iangat niya ang kanyang ulo, bigla siyang naging seryoso

at naghahamon na sinabi, "Wala akong kakayahang gawin ito? Lin Shiyi, hindi

ka pa ba nadadala sa nangyari sayo sa 'Alluring Times'?

"Ang buong akala ko ay matuto ka na dahil sa mga nangyari sayo noon. Hindi

ko naman alam na si Miss Lin pala ay may mala-ipis at walang kadala-dalang

ugali, na kahit gipit na gipit ka na, ay mas pipiliin mo pa ring ilaglag ang ang

sarili mo. Sa puntong 'to, sobrang napahanga mo talaga ako, Miss Lin."

Sa sobrang sakit ng mga sinabi ni Lu Jinnian, halos mangiyak-ngiyak na sa

sama ng loob at kahihiyan si Lin Shiyi. Kanina pa siya nagpipigil ng galit pero

sa mga oras na 'to, sobrang nasagad na siya at hindi niya alam kung kaya niya

pang panindigan ang pag papanggap na kalmado.

Mula't sapul naman ay wala talagang pakielam si Lu Jinnian kay Lin Shiyi kaya

pagkatapos niyang magsalita ay muli siyang tumingin kay Qiao Anhao, na

tahimik na nakaupo sa tabi niya habang nakakagat sa straw. Tinapik niya ng

mahina ang ulo nito at sinabi, "Magbihis ka na, uuwi na tayo."

"Sige."

Dali-daling inilapag ni Qiao Anhao ang hawak nitong bote at tumayo, pero bago

ito makapaglakad papunta sa changing room, napansin ni Lu Jinnian na may

dalawang kahon na nakapatong sa lamesa nito. Base sa pagkakaalala niya,

naisumbong sakanya ng asawa niya na nanlibre si Lin Shiyi kanina ng tsaa sa

buong crew. Sigurado siya na 'yun ang laman ng dalawang kahon kaya bigla

niyang kinuha ang mga ito at walang pagdadalawang isip na itinapon sa pinaka

malapit na basurahan.

Bukod kina Qiao Anhao at Zhao Meng, lahat ng nasa make up room ay uminom

ng kaparehong tsaa kaya alam ng mga ito na ang dalawang kahon ay galing

kay Lin Shiyi. Ngayon na itapon ito ni Lu Jinnian, na para bang sobrang

nandidiri, siguradong matindi talaga ang galit nito…

May isa sa mga nakikiusisa ang palihim na sumilip kay Lin Shiyi. Marahil sa

sobrang kahihiyan, kapansin-pansin na biglang namula ang maputla nitong

mukha.

Si Qiao Anhao ang galit kay Lin Shiyi, pero sa lahat ng nangyari, malinaw na si

Lu Jinnian ang naglabas ng sama ng loob para sakanya. Ang buong akala niya

ay tapos na ang tensyon kaya nagpatuloy siya sa paglalakad, pero hindi pa

man din siya nakakalimang hakbang, muli niya nanamang narinig ang boses ni

Lu Jinnian. Bakit ba parang hindi na ito naubusan ng sasabihin…

Walang preno itong nagsalita, "Oh, tama. Miss Lin, may gusto pa pala akong

sabihin sayo. Kung magdedesisyon ang boyfriend mo na iatras ang investment

niya sa 'Love at First Sight', at mapag-isipan niyang hiwalayan ka nalang dahil

sa mga nangyari ngayon, wag kang mag-alala dahil babayaran pa rin naman

kita bilang supporting actress."

Huminto si Lu Jinnian ng sandali at tumawa na para bang nangaasar bago siya

muling magpatuloy, "Ang tanging rason lang naman kung bakit ayaw kong

tanggalin ang screen time mo ay hindi dahil hindi ko kaya, pero dahil gusto

kong panuurin ka na nagtitiis na makasama si Qiao Anhao dahil kailangan

mong panindigan ang trabaho mong makasama siya!"

Ang pinaka masaklap na parusang pwedeng maranasan ni Lin Shiyi ay hindi

ang matanggalan siya ng trabaho para lang mailayo kay Qiao Anhao, kundi ang

maranasan niya ang matinding pagtitiis habang pinakikisamahan niya ang

pinaka kinamumuhian niyang tao na walang ibang gagawin kundi lamangan siya

sa lahat ng bagay.

Dahil gusto talagang makipagkumpitesnya ni Qiao Qiao kay Lin Shiyi, pwes

ibigay natin…itodo na natin hanggang sa magkusa na itong sumuko. Mula

ngayon, hinding hindi na nito susubukin pang banggain si Qiao Anhao!

Sa pagkakataong ito, hindi na kayang tanggapin ni Lin Shiyi ang mga

pangiinsulto ni Lu Jinnian kaya bigla niyang kinuha ang kanyang phone at galit

na galit siyang lumabas ng make up room.

-

Walang balak na magsayang ng oras si Qiao Anhao kaya agad siyang nagpalit

ng damit at nagtanggal ng kanyang make up. Noong pumunta siya sa CR para

maghilamos, sinabay niya na ring umihi ng mabilisan.

Paglabas niya ng cubicle, hindi niya inaasahan na makikita niya si Lin Shiyi na

nakatayo sa tapat ng isang lababo habang nagpupunas ng luha. May isa pa

itong kasama kaya sa takot niyang magkagulo ulit, dali-dali siyang yumuko at

binuksan ang gripo para maghilamos.

Sinadya ni Qiao Anhao na pumwesto sa pinaka malayong lababo kung saan

nakatayo si Lin Shiyi. Naghugas siya ng mabilisan pero pagkakuha niya ng

tissue, biglang tumingin sakanya si Lin Shiyi na halatang punong puno ng

pagkasuklam.

Próximo capítulo