webnovel

Kasal (15)

Editor: LiberReverieGroup

Inilapit ni Lu Jinnian ang sigarilyo sakanyang mga labi at humithit ng malalim.

Nakatitig lang siya sa dalawang pangalan na nakasulat sa ilalim ng papel

habang dahan-dahan niyang ibinubuga ang usok sakanyang bibig . Hanggang

ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kaya muli niyang

kinurot ang kanyang sarili. Noong naramdaman niya ang sakit, doon palang siya

napanatag na totoo nga ang mga nangyari sa nakalipas na bente kwatro oras –

Mula noong umuwi sila sa America hanggang sa mga oras na ito.

Totoo ngang kinasal na si Qiao Anhao sakanya at misis niya na ito ngayon.

"Lu Jinnian…" Habang nagmumuni-muni, bigla niyang narinig ang boses ni Qiao

Anhao mula sa first floor na sinundan pa ng nagmamadaling yabag ng mga paa

nito.

Bigla siyang nahimasmasan at dali-dali niyang pinatay ang sindi ng sigarilyong

hawak niya. Nagmamadali niyang ibinalik ang marriage certificate sakanyang

bulsa at naglakad palabas ng study room. Katatapos lang maligo ni Qiao Anhao

at kasalukuyan siyang nakasuot ng isang night gown na gawa sa cotton at may

nakapulupot na twalya sakanyang ulo. Pagkatapos na pagkatapos niyang

maghilamos, dali dali siyang tumakbo paakyat ng hagdanan at nagsisisigaw, "Lu

Jinnian, Lu Jinnian…"

"Nandito ako." Napakunot ng noo si Lu Jinnian. Isinara niya ang pintuan ng

study room at naglakad pababa ng hagdanan para puntahan si Qiao Anhao.

Nang marinig ni Qiao Anhao ang sagot ni Lu Jinnian, dali-dali niyang iniangat

ang kanyang ulo para tignan ang direksyon na pinanggalingan ng boses nito.

Noong nakita niya ang mukha nito, doon palang siya kumalma at masayang

ngumiti. Dahil ilang beses na siyang nagakyat panaog, medyo hinihingal siya

noong muli siyang umakyat at nagsalita, "Nilagyan ko na ng mainit na tubig ang

bath tub para sayo."

Natakot ba si Qiao Anhao noong hindi siya makita nito?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lu Jinnian, na maging siya ay halos marindi

na. Ilang sandali rin siyang mapusok na nakatitig kay Qiao Anhao bago siya

tumungo. Hinawakan niya ang kamay nito at sabay silang naglakad papasok sa

kwarto.

-

Pagkalabas ni Lu Jinnian sa CR, nakahiga na si Qiao Anhao sa kama at may

kinakausap ito ng pabulong. Noong una, hinayaan niya lang ito pero bigla siyang

natigilan nang marinig niya ang salitang "Bother Jiamu. Dali-dali siyang bumalik

sa CR at dahan-dahang isinarado ang pintuan nito.

Halos dalawang minuto lang na nakipagusap si Qiao Anhao at agad niya ring

pinutol ang tawag. Samantalang si Lu Jinnian naman ay iniwan lang ang

twalyang ginamit niya sa CR bago siya muling lumabas at bumalik sa tulugan.

Umupo si Qiao Anhao sa kama at noong narinig niya ang yabag ng mga paa ni

Lu Jinnian, agad siyang tumingin at mahinahong nagtanong, "Tapos ka ng

maligo?"

"Oo," walang emosyong sagot ni Lu Jinnian. Pinatay niya ang mga ilaw sa

kwarto nila at agad ding humiga sa kama.

Sa unang gabi nila bilang magasawa, walang nangyari sakanila at tahimik lang

silang nakahiga sa kama.

Hinayaan lang ni Lu Jinnian si Qiao Anhao na lumpit at yumakap sakanya.

Pagkauwing pagkauwi nila mula sa America, dumiretso sila kaagad sa Civil

Affairs Bureau para magpakasal. Ni minsan ay hindi manlang sila huminto para

makapagpahinga kaya noong sandaling mahiga sila sa kama, talagang inaantok

na sila pareho gawa ng pagod. Humiga si Qiao Anhao sa braso ni Lu Jinnian at

hindi nagtagal ay nakatulog na rin siya kaagad ng mahimbing.

Noong naramdaman ni Lu Jinnian na lumalim at bumagal na ang paghinga ni

Qiao Anhao, dahan-dahan siyang yumuko at sa tulong ng liwanag na nanggaling

sa night lamp, ilang sandali niya ring tinitigan ang natutulog na Qiao Anhao.

Gamit ang kabila niyang kamay, maingat niyang hinaplos ang mukha nito. Tunay

ngang walang kapantay ang saya na nararamdaman niya ngayon. Tumingala

siya sa kisame at pagkalipas ng ilang sandaling pagmumuni-muni, maingat

niyang inalis si Qiao Anhao mula sakanyang braso. Dahan-dahan siyang

bumangon siya sa kama at nagsuot ng sweater bago siya maglakad pabalik sa

study room.

Bumalik siya sa pwesto na iniwanan niya noong tawagin siya ni Qiao Anhao at

kinuha ang kaha ng sigarilyo na nasa kanyang harapan para muling magsindi ng

isang stick.

Próximo capítulo