May isang staff sa mainhall ang sumalubong sakanila para bumati. Ang unang
tinanong nito sakanila ay kung gusto ba nilang magpakasal o magdivorce bago
sila bigyan ng dalawang form.
Muling hinila ni Qiao Anhao si Lu Jinnian papunta sa counter na nasa harapan
at walang pagdadalawang isip niyang kinuha ang ball pen para fill upan ang
form. Ngunit habang nasa kalagitnaan, napansin niya na nakaupo lang si Lu
Jinnian sakanyang tabi at hindi ito nagsusulat.
Hindi siya mapakali kaya dali dali niyang ibinigay kay Lu Jinnian ang ball pen na
kanyang hawak. Noong hindi pa rin ito gumalaw, nadesperado na siya kaya
sapilitan isiniksik sa kamay nito ang ball pen at minadali ito, "Bilisan mo, magfill
up ka na!"
Napatingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao bago siya muling matigilan nang
makita niya ang form na tapos na nitong fill upan.
Halatang desido talaga si Qiao Anhao na magpakasal sakanya… Ibig sabihin
mahal talaga siya nito?
Nang makita ni Qiao Anhao na nakatulala lang si Lu Jinnian, lalo siyang
kinabahan. Tinignan niya ang buong paligid hanggang sa mapagdesisyunan
niyang agawin na ang form na hawak nito. Pagkasulat niya ng pangalan ni Lu
Jinnian, bigla siyang pinahinto ng staff na nakatayo sa counter. "Pasensya na
Miss, ang mismong party na involved lang ang pwedeng magfill up."
Pero ayaw magfill up ni Lu Jinnian… Napakagat si Qiao Anhao sa dulo ng ball
pen na hawak niya bago siya tumingin sa staff para seryosong sabihin, "Pero
hindi siya marunong magsulat!"
"…" Hindi alam ng staff kung anong isasagot nito kaya napatingin ito kay Lu
Jinnian at nagtanong, "Mister, ginusto mo ba talagang maging magpakasal?"
"Oo," sabat ni Qiao Anhao bago pa makasagot si Lu Jinnian.
"…" Muli nanamang natahimik ang staff bago ito maglabas ng panibagong form
na muli nitong ibinigay kay Lu Jinnian. "Mister, kung gusto mo talagang ikasal,
kailangan mong magfill up ng form."
Napakunot ng noo si Qiao Anhao. Yumuko siya at malungkot na tinignan ang
pangalan na kasusulat niya lang….Hindi na ba pwedeng gamitin ang form na
'to?
Hindi talaga siya mapakali kaya muli siyang tumingin kay Lu Jinnian.
.
Sa wakas, nahimasmasan na si Lu Jinnian. Tumungo siya sa staff bago niya
ilabas ang ball pen na nasa kanyang bulsa. Kinuha niya ang form at mabilisan
itong finill upan.
Doon palang nakahinga ng maluwag si Qiao Anhao. Pagkatapos fill upan ni Lu
Jinnian ang unang pahina, masaya niya itong tinulungan ilipat sa susunod na
pahina.
Mabilis lang ang mga sumunod na proseso – nagpacheck up, nagbayad, nagbsa
ng kanilang mga sumpaan, at nag'pastamp… Mula umpisa hanggang dulo,
halata kay Qiao Anhao ang sobra sobrang saya at pananabik habang tinatapos
nila ang mga kailangan nilang gawin.
Hindi naman sa hindi masaya si Lu Jinnian, pero habang pinagmamasdan niya
si Qiao Anhao ay hindi talaga siya makapaniwala na mahal din siya nito.
-
Alas sinco na ng hapon noong natapos nila ang lahat ng mga kailangan nilang
gawin. Sakto, uwian na rin ng mga galing sa trabaho kaya puno nanaman ang
kalsada ng mga sasakyan na maya't-mayang nagbubusina.
Pagkabukas ni Lu Jinnian ng pintuan ng sasakyan, agad na sumakay si Qiao
Anhao na may dalang napakaraming dokumento. Pagkaupong pagkaupo niya,
binuklat niya kaagad ang mga ito at nang makasakay na si Lu Jinnian, iniabot
niya ang dokumentong para rito. "Para sayo."
Kinuha ni Lu Jinnian ang identification card. "Itago mo ang identification book.
Kakailanganin mo yan pag pumunta tayo sa police station para ipabago ang
account mo."
"Oh." Pabulong na sagot ni Qiao Anhao bago niya maingat na isiniksik ang
lahat ng mga dokumento sa kaloob looban ng kanyang bag na para bang mga
mamahalin itong kayamanan na ayaw niyang masira.