webnovel

Kasal (4)

Editor: LiberReverieGroup

Sinilip ni Qiao Anhao ang air ticket at biglang nablangko ang kanyang isipan ng

makita niyang flight ito mula sa Los Angeles pabalik ng Beijing.

Hindi ba ang sabi sakanya ni Zhao Meng ay kailangan niya lang gumawa ng

paraan para may mangyari sakanila ni Lu Jinnian? At kung sakali mang hindi pa

rin siya patawarin nito, hindi ba sinabi rin ng kanyang kaibigan na pwede niyang

magamit ang magiging anak nila para pilitin itong magpakasal sakanya?

Pero bakit gustong sirain ni Lu Jinnian ang lahat ng mga plano niya….

Ayaw niya pang umuwi at lalong ayaw niyang uminom ng contraceptives… Anon

a bang dapat niyang gawin?

Kinakabahan na si Qiao Anhao at bigla niyang naalala ang sinabi sakanya ni

Zhao Meng sa text – na kailangan niyang siguraduhin na laging may mangyayari

sakanila ni Lu Jinnian hanggang sa lumambot ang puso nito at tanggapin siyang

muli…

Sobrang desperado na si Qiao Anhao at wala na siyang ibang maisip kundi ang

kumapit sa nagiisang solusyon na alam niya. Bigla siyang tumayo at niyakap

ang leeg ni Lu Jinnian. Noong oras din na 'yun, iniangat niya ang kanyang ulo

para halikan ang mga labi nito. Hindi talaga siya mapakali kaya hindi nagtagal

ay pwersado niyang hinubad ang damit nito.

Pero bago niya pa maituloy ang kanyang binabalak, biglang hinawakan ni Lu

Jinnian ang kanyang kamay at tinulak siya papalayo. Pagkaatras niya, nabasa

niya sa itsura ni nito na hindi na ito natutuwa sa mga ikinikilos niya. "Dalawang

oras nalang bago ang flight mo kaya bilisan mo na at inumin ang pill. Mauuna na

ako pakapag check out."

Hindi nagtagal, binitawan ni Lu Jinnian ang kanyang kamay at inayos ang parte

ng damit nito na nagusot niya bgao ito maglakad palabas ng kwarto.

Sinubukan niya na itong iharass, magpacute, magpaawa, at higit sa lahat

pinainom niya na ito ng droga. Nagawa niya na ang lahat at wala na siyang

pagpipilian pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito makumbinsi. Sa mga

oras na 'to hindi niya alam kung dala lang ba ng sakit na nararamdaman niya o

talagang nadedesperado na siya, pero bigla niyang kinuha ang pills na

nakapatong sa lamesa at ibinato sa likod ng naglalakad na Lu Jinnian.

"Ikaw nalang ang uminom niyan kung gusto mo, pero hindi ko yan iinumin!"

Bahagyang bumagal ang lakad ni Lu Jinnian bago siya tuluyang huminto.

Mukhang nasagad na talaga si Qiao Anhao. Sa pagkakataong ito, kinuha niya

naman ang air ticket at pinunit ito ng maliliit. Buong lakas niyang itinapon kay Lu

Jinnain ang bawat piraso, ngunit hindi pa rin siya nakuntento at bigla siyang

naglakad ng mabilis papunta rito.

Pinulot niya ang kahon ng pills at muli niya itong ibinato. Hindi nagtagal, bigla

niya itong inapakan hanggang sa maging pulbos na ang mga ito. Habang

dinudurog niya ang mga pills, tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha sakanyang

mukha at sa sobrang sama ng loob, ngalakad siya papunta sa sofa at isa isang

ibinato kay Lu Jinnian ang mga unan na nakalapg dito.

Noong naubusan na siya ng ibabato, bigla siyang natumba sa sahig habang

tuloy tuloy pa rin siya sa pag'iyak. Nanlilisik at mangiyak ngiyak ang kanyang

mga mata nang muli niyang titigan si Lu Jinnian. "Lu Jinnian, ano pa bang gusto

mo? Kahit na galit ka, wala na ba talaga 'yang katapusan?"

Nasasaktan si Lu Jinnian habang nakikita niyang nagwawala si Qiao Anhao.

Nakapagdesisyon na siya pero ngayon, naguguluhan nanaman siya. Kumunot

ang kanyang noo at ilang sandali niyang tinitigan ang umiiyak na Qiao Anhao

bago niya ito lapitan. Lumuhod siya at dahan dahang pinunasan ang luha nito,

ngunit sa kabila ng pagaalalang ipinakita niya, naramdaman pa rin ni Qiao

Anhao ang pagka'ilag niya rito.

Próximo capítulo