webnovel

Kasal (2)

Editor: LiberReverieGroup

Si Qiao Anhao ay parang isang lason. Pero kahit alam niya na pwede siyang

mamatay ng dahil dito, hindi niya pa rin kayang pigilan ang kanyang sarili na

lapitan ito.

Kagaya nalang ng nangyari ngayon. Kahit na sobrang sinaktan na siya nito dati,

noong sandaling makita niya itong malungkot at umiiyak dagdag pa ang isang

gabing nakasama niya ito ay para nanaman siyang natutuksong bumalik.

Hindi niya naman tinatanggi na sobra talaga ang pagmamahal niya kay Qiao

Anhao at ito lang ang taong kayang gumulo sakanyang puso hanggang sa punto

na parang nawawala na siya sakanyang sarili.

Hindi niya talaga maintindihan kung bakit may isang babaeng kagaya ni Qiao

Anhao na kayang kayang pahinain ang lahat ng lakas niya. Sa napaka simple

nitong ginawa, muli nanamang umikot ang kanyang mundo.

Sa mga oras na ito, malinis ang kanyang intensyon.

Kahit na inapakan na ni Qiao Anhao ang kanyang pride, sinabihan siyang

walang karapatang mahalin ito, hindi siya patawarin para sa ibang lalaki at

sagarin ang kanyang pasensya, hindi niya pa rin talaga kayang sumuko at

hanggang ngayon ay gusto niya pa rin itong makasama.

Alam niyang kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng pagpipilian pagdating kay

Qiao Anhao, kaya naisipan niyang pumunta sa ibang bansa noong iniwanan siya

nito.

Madilim pa ang kalangitan at tanging ang mga patay sindi na ilaw lang sa mga

poste ang nagbibigay ng liwanag sa kapaligiran.

Sunod sunod ang paninigarilyo ni Lu Jinnian at kahit kailan ay hindi siya

huminto upang labanan ang naguguluhan niyang puso.

Sa mga ginawa ni Qiao Anhao ngayon, masasabi niya na pursigido talaga itong

makasama siya, pero wala siyang sapat na lakas ng loob para paniwalaan ang

nararamdaman niya.

Sobrang natatakot siya na baka mawala nanaman ito sakanya kung pipiliin

niyang paniwalan ang kahibangang ito.

Hangga't maari, ayaw niya na sanang maranasan ang idinulot nitong sobrang

sakit na halos ikamatay niya na.

Walang sinuman ang nakakaalam kung gaano siya nahirapan noong iwanan siya

ni Qiao Anhao, at ayaw niya ng maranasan muli ang ganung kasakit na

pakiramdam. Walang sinuman ang nakakaalam kung ilang gabi siyang hindi

makatulog kakapilit sakanyang sarili na palayain na ito.

Yumuko siya at tinitigan ang kulay itim na relong nasa kamay niyang may hawak

na sigarilyo.

Nanghihina nanaman ang loob niya at sobrang natatakot siya.

Dalawa lang ang pagpipilian niya, pero hindi niya alam kung ano ba ang dapat

niyang sundin.

Nakaupo lang si Lu Jinnian sa balcony hanggang sa sumikat ang araw at muling

mabuhayan ang siyudad. Pagkatayo niya, dumiretso siya sa closet para

magbihis ng damit bago siya lumabas ng hotel room niya na dala ang kanyang

wallet.

Pagkalipas ng halos isang isang oras, bumalik siya na may dalang plastic.

Inilapag niya ang mga ito sa sofa at dahan dahang binuksan ang pintuan ng

tulugan. Hanggang sa mga oras na ito ay mahimbing pa ring natutulog si Qiao

Anhao.

Hindi talaga maganda ang sleeping habit ni Qiao Anhao. Dahil sinipa nito ang

kumot, nakalabas ang malaking parte ng likod nitong walang damit at ang isa

nitong maganda binti.

Matagal ding nakatitig si Lu Jinnian sa natutulog na Qiao Anhao mula sa pintuan

ng bago siya pumasok para kumutan ito. Bago siya lumabas, tinaasan niya

muna ng bahagya ang temperature ng heater.

Pagkalabas niya, naglakad siya papunta sa isang bintanang nasa sala.

Nakatulala lang siya sa malayo habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay.

-

Ito na sigurp ang pinaka mahimbing na tulog ni Qiao Anhao sa nakalipas na apat

na buwan.

Pagkagising niya, ala una na ng hapon.

Hinawi niya ang kanyang buhok at pinagmasdan ang buong kwarto. Noong may

nakita siyang suit na panlalaki sa isang gilid, bigla siyang napaupo.

Próximo capítulo