Kung noon ito nangyari na alam niyang pangarap niya palang si Qiao Anhao, malamang hindi siya kakabahan ng ganito. Pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon dahil alam niyang abot kamay niya na si Qiao Anhao, kaya sobrang sakit kung sakaling mabibigo nananaman siya…sobra sobra ang sakit. Hindi niya alam kung paano niya matatanggap ang katotohanan.
Baka bandang huli, si Xu Jiamu at ang Xu Family pa rin pala ang piipilin nito?
Tama, mula pagkabata palang niya, alam niyang mas importante na talaga ang pamilyang 'yun kaysa sakanya. Ngayon na nalaman ni Qiao Anhhao na namroblema ang mnga ito, malamang ang mga iyon na ang pinili nito ng walang pagdadalawang isip. Ni hindi nga nito magawang pinakinggan ang paliwanag niya…
Kahit na ayaw maniwala sakanya ni Qiao Anhao, gusto niya pa ring pilitin ang sarili niya na wag basta bastang sumuko.
Sa buong buhay niya, simula noong mahirap palang siya hanggang ngayon, hindi siya humiling kahit kanino. Pero dahil natatakot siyang mawala sakanya si Qiao Anhao,m handa niyang itapon ang pride na mayroon siya para magmakaawa rito. [Qiao Qiao, nagmamakaawa ako, pwede bang pumunta ka na?]
Bahagyang kumalma ang nararamdaman niyang pagkatapos niyang maisend ang huli niyang text. Muli siyang bumalik sakanyang upuan para maghintay habang ang kanyang mga kamay ay kalmadong nakalapag sa lamesa.
Habang palalim ng palalim ang gabi, lalo pang tumitingkad ang liwanag mula sa mga patay sindi na poste na nasa kalsada, samantalang si Lu Jinnian ay parang nakaupong estatwa na hindi manlang gumagalaw.
Hindi siya inistorbo ng kanyang assistant at hinyaan lang siya nito na maghintay.
Pagsapit n gals dos ng madaling araw, biglang sumama ang panahon at hindi nagtagal ay tukuyan na ngang umulan.
Umubo ang assistant para linisin ang lalamunan nito, "Mr. Lu, umuulan na. Bakit hindi ka nalang sa loob maghintay.]
Hindi niya pinansin ang kanyang assistant. Nanitili lang siya sakanyang kinauupuan at walang balak na tumayo.
Kadalasan, mabilis lang tumila ang ulan sa Beijing, pero makalipas ang dalawang minuto pagkatapos magsalita ng assistant, lalo pang lumakas ang ulan.
Dali daling tumakbo ang assistant kay Lu Jinnian para hilain itong sumilong muna.
Itinulak ni Lu Jinnian ng malakas ang kanyang assistant at pagalit na sinabi, "Sinabi ko ng maghihintay lang ako dito. Hindi ako aalis. Maghihintay lang ako dito."
Lalo pang lumakas ang buhos ng ulan, kaya ang assistant at si Lu Jinnian ay basang basa na. Kahit anong pagpupumilit ng assistant, hindi talaga nagpapatinag ang kanyang amo kaya bandang, huli hindi niya na kinaya at sinabi, "Mr. Lu, alas dos na ng madaling araw. Baka hindi na pumunta si Miss Qiao!"
Napakagat nalang si Lu Jinniab sakanyang labi at bakas sakanyang mga mata ang labis na kalungkutan. Noong sandaling iyon, nanggigil siyang nagsalita, "Maghihitay ako sakanya dito."
Hindi na alam ng assistant ang gagawin niya kaya pumaso nalang siya para kumuha ng payong para kay Lu Jinnian.
Makalipas ang isang oras na pagbuhos ng ulan, basang basa silanng dalawa kahit pa nakapayong sila.
Hindi talaga umalis si Lu jinnian sa balcony hanggang sa unti-unting magliwanag ang kalangitan. Noong tuluyan ng sumikat ang araw, ang tahimik na syudad ay muling nabuhayan at ang forbidden palace ay napuno ng mga turista. Ang basang damit ni Lu Jinnian ay natuyo na ngunit nanatili pa rin siyang hindi gumagalaw sakanyang kinauupuan.
Alas diyes imedya na ng umaga noong sa wakas tumayo si Lu Jinnian.