webnovel

Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (24)

Editor: LiberReverieGroup

Biglang natulala si Qiao Anhao nang malkita niya ang magagandang mga mata ni Lu Jinnian na tila nagniningning habang nakatitig sakanya.

Noong mga sandaling iyon, parang biglang naglaho ang lahat ng nasa paligid nila at wala silang ibang makita kundi ang isa't-isa lang.

Dahil masyado siyang tutok na tutok kay Qiao Anhao, hindi na namalayan ni Lu Jinnian na papalapit na siya ng papalapit dito.

Habang pinakikiramdaman ang mga nangyayari, hindi makontrol ni Qiao Anhao ang panginginig ng kanyang mga pilikmata pero magkaganunman, hindi pumasok sa isip niya ang umiwas.

Habang papalapit ng papalapit ang mukha ni Lu Jinnian sakanya, bigla niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi nagtagal, unti-unti niyang naramdaman ang mainit nitong hininga na tumatama sakanyang mukha kaya napahawak siya ng mahigpit sa sofa na para bang handang handa na siya sa magiging halik nito. Pero noong maglalapat na ang kanilang mga labi, bigla namang nagring ang kanyang phone. 

Biglang natigilan si Lu Jinnian pero ilang sandali pa siyang nakatitig kay Qiao Anhao bago siya tuluyang lumayo.

Noong mga oras na 'yun, sobrang pula ng mukha ni Qiao Anhao. Sinilip niya ang kanyang phone at naglakad papunta sa bintana para sagutin ang tawag. "Sis."

"Qiao Qiao, umalis ka na sa mansyon ni Jiamu?"

"Oo."

"Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"Gusto ko sanang kumuha na ng apartment sa city, diba kumuha ka rin ng iyo?"

"Ah ganun ba…" Nanahimik ng sandali si Qiao Anxia bago ito muling magsalita, "Pag may nakita ka ng nagugustuhan mo, wag ka ng magdalawang isip na kunin kaagad."

Pagkatalikod ni Qiao Anhao matapos niyang ibaba ang tawag, nakita niya si Lu Jinnian na naglalakad palabas ng CR.

Dati, ginagamit nilang palusot ang pinagkasunduan nila para magawa nila ang mga gusto nilang gawin sa isa't-isa. Pero ngayon na naging mabuti na silang magkaibigan, di maikakailang nakakailang ang muntik na nilang paghahalikan. Dali daling ibinaling ni Qiao Anhao ang tingin niya sa iba, samantalang si Lu Jinnian ay nanatili lang kalmado kaya nagawa niya pa itong tignan na parang walang nangyari. "Lumalalim na ang gabi, magpahinga ka na."

Hindi na alam ni Qiao Anhao ang gagawin niya kaya laking pasasalamat niya na kay Lu Jinnian na mismo nanggaling ang mga salita para makaiwas siya sa sobrang nakakailang na sitwasyon. Tumungo siya at nagmamadaling sinabi ang salitang "Goodnight" bago siya tumakbo paakyat.

Kahit gaano pa kagusto ni Lu Jinnian na may mangyari sakanila ngayon, handa siyang magtiis hanggang sa dumating ang araw na pwede na silang tawaging official couple. 

Desidido talaga siyang panindigan ang mga plano niya, pero parang pinaglalaruan siya ng kanyang utak dahil hanggang pagsapit ng ala una ng madaling araw, hindi pa rin siya pinapatulog ng mga alaala na muntik ng mangyari sa sofa.

Noong gabing 'yun, biglang napabangon si Qiao Anhao sa sobrang uhaw gawa ng ice cream at sitsirya na kinain niya kanina.

Bukod tanging ilaw nalang na nasa hagdanan ang nakabukas, kaya dali-dali siyang tumakbo pababa habang naka'night gown. Kumuha siya ng isang basong tubig pero noong iinom na sana siya, bigla nagbukas ang ilaw sa living room.

Napatalon sa sobrang gulat si Qiao Anhao kaya aksidente niyang natapunan ang sarili niya tubig sa bandang dibdib. Pagkatalikod niya, nakita niya si Lu Jinnian na papalabas ng study room na nasa first floor.

Kulay puti ang nightgown na suot niya, kaya halos naging transparent ito noonng noong natapunan siya ng tubig.

Hindi sinasadya ni Lu Jinnian na mapatitig sa nabasang parte ng dibdib Qiao Anhao.

Halos isang minutong nakatulala si Qiao Anhao bago siya mahimasmasan. Ibinaba niya ang baso at habang tinatakpan ang kanyang katawan, nagmamadali siyang tumakbo papunta sa hagdanan. Pero pagkadaan niya kay Lu Jinnian, bigla siyang hinila nito at isinandal sa pader para halikan.

Próximo capítulo