webnovel

Divorce (14)

Editor: LiberReverieGroup

Nang malapit na dumaan si Lu Jinnian sa pultahan ng seguridad, narinig niyang tumunog ang kanyang telepono. Bahagya siyang huminto sa paglalakad, ngunit sa huli, hindi niya nalang ito pinansin at dumaan na sa pultahan.

Pagkatapos ng masuring seguridad, ibinalik na ni Lu Jinnian ang mga bagay na inalis niya sa kanyang bulsa at sadyang hinuli ang kanyang telepono. Hindi niya dapat ito titingnan ngunit hindi niya nakayanan at sinilip ang iskrin ng kanyang telepono. Mayroon ngang hindi nabasang mensahe mula kay Qiao Anhao na tandang pananong.

Tinitigan ni Lu Jinnian ang iskrin ng kanyang telepono, ang kanyang lalamunan ay sumisikip. Ibinaba ang kanyang pilikmata, pinipigilan ang mga emosyon na dumaloy sa kanyang mga mata. Umiigting ang panga, ibinalik niya ang telepono sa bulsa.

Nang makarating sila sa paliparan, mayroon na lamang silang kalahating oras bago ang oras ng kanilang pag-alis, kaya ang istuwardes ay sinamahan sila patungo sa VIP na daan.

Nang sinimulan ang kaligtasang panghimpapawid na bidyo, Si Lu Jinnian ay nakaupo na at nakakabit na ang belt ng kanyang upuan.

Habang ang kanyang assistant ay pinatay na ang telepono, ito ay tumingin kay Lu Jinnian na tulala. At ipinaalala, "Mr. Lu, kailangan mong patayin ang iyong telepono"

Tahimik na kinuha ni Lu Jinnian ang kanyang telepono, ngunit bago niya ito patayin ay muli nanamang niyang nakita ang teksto na ipinadala ni Qiao Anhao.

Ang punong istuwardes lumakad patungo sa kanila na may dalang talaan ng mga putahe. Magiliw na nakangiti, tinanong niya, "Mga ginoo, gusto niyo po ba ng maiinom mamaya?"

Tumugon ang assistant, "Dalawang tasa ng kape, Salamat."

"Sige." Isinulat ng babae ang kanilang order, ngunit Nakita niya ang liwanag mula sa telepono ni Lu Jinnian. "Sir, pakipatay po ang inyong telepono, Salamat."

Ang mga daliri ni Lu Jinnian ay hinawakan ang iskrin ng telepono nang bahagya bago ito tuluyang patayin.

-

Si Qiao Anhao ay nakahiga sa sopa, nanunuod ng telebisyon habang naghihintay siya sa tawag ni Lu Jinnian.

Habang lumilipas ang oras, hindi na ito mapakali. Tumingin siya sa orasan—ito'y maghahatinggabi na ngunit hindi pa sumasagot si Lu Jinnian sa kanya. Masama ang loob, idinayal niya ang numero nito upang tanungin kung kamusta na ang kalagayan.

Nang matawagan, sinagot siya ng isang awtomatikong boses. "Paumanhin, ang taong tinawagan mo ay nakapatay ang telepono."

"nakapatay?"

kumunot ang noo ni Qiao Anhao, naubusan kaya ng baterya ang telepono ni Lu Jinnian?

sa halip, Idinayal niya ang numero ng assistant nito.

Parehong telepono nila ay naubusan ng baterya?

Pagkakataon nga naman…

Tinawagan niya ang numero ng opisina, at gayunpaman, walang sumagot.

Si Qiao Anhao ay hinampas-hampas ang kanyang mga pisngi bago ihagis ang kanyang telepono sa sopa. Tinitigan niya ang telebisyon habang ang daming sumasagi sa kanyang isipan.

Matapos ang isang mahabang oras, nakatulog siya sa sopa.

Ngunit dahil siya ay nakabaluktot, hindi siya makatulog nang maayos. Sa kalagitnaan ng gabi, siya nagising upang tumingin sa oras ng kanyang telepono. Ito ay alas-2 na ng umaga, ngunit wala pang mga bagong pagpapaunawa sa kanyang telepono; hindi siya tumawag o tumugon sa kanyang teksto.

Malungkot na tinignan ni Qiao Anhao ang iskrin ng kanyang telepono, ang kanyang puso ay nawalan ng laman. Siya'y tumayo at pumunta sa banyo.

Nang siya ay lumabas, habang hinuhugasan niya ang kanyang mga kamay, tumingin siya sa magandang damit na dapat isusuot para kay Lu Jinnian. Nagbago ang lagay ng loob habang nawala ang kanyang pagkapagod

Próximo capítulo