webnovel

Divorce(7)

Editor: LiberReverieGroup

[Nagdinner ka na?]

Tinignan ni Qiao Anhao ang pinadeliver niyang pagkain na nasa lamesa.

[Hindi pa, hindi ako nagugutom]

Sa pagkakataong ito, mas mabilis ng sumagot si Lu Jinnian. [Gusto mo bang

magdinner ngayon?]

Walang alinlangan sumagot si Qiao Anhao, [Yep.]

[Tatawagan nalang kita kapag tapos na ako.]

Bago siya makapagreply sa huling text ni Lu Jinnian, biglang tumunog ang

kanyang phone —tawag mula sa mga Qiao. Walang pagaalinlangan niyang

sinagot ang tawag at bumungad sakanya ang natatarantang boses ng kanyang

aunt. "Qiao Qiao, may oras ka ba ngayon? Umuwi ka muna."

"Nagyon?"

"Oo, ngayon."

Naramdaman ni Qiao Anhao na parang sobrang importante ng kailangang

sabihin sakanya ng kayang aunt kaya agad siyang pumayag at sinabi,

"Naintindihan ko po, papunta na po ako."

-

Napakaraming projects ng Huan Ying Entertainment nitong mga nakaraang

araw kaya sobrang naging abala si Lu Jinnian. Lahat ng tao sa office ay

kinailangang magovertime para matapos nila ang mga dapat nilang gawin.

Habang nakikinig sa ideya ng project manager, sinilip ni Lu Jinnian ang

kanyang phone at nang mapasin niya na hindi nagreply si Qiao Anhao sa huli

niyang text, muli niya itong ibinaba at nakinig sa nagsasalita.

Noong mga oras din na iyon, biglang pumasok ang secretary at itinuro ang

assistant ni Lu Jinnian. Para hindi na makaistorbo pa, agad naman itong

lumabas. Pagkabalik ng assistant, lumapit ito kay Lu Jinnian para bumulong.

"Mr. Lu, nandito po si Miss. Qiao Anxia. Gusto ka raw niyang makita."

Nanatiling kalmado si Lu Jinnian kahit na nagtataka siya kung bakit siya

gustong makita ni Qiao Anxia.

Mulling nagsakita ang assistant, "Sinabihan ko na ang secretary na dalhin

muna siya sa lounge."

Tumungo lang si Lu Jinnian pero bago siya muling makinig sa meeting, sinilip

niya muna ang kanyang phone.

Makalipas ang halos isang oras, natapos na rin ang meeting; 8:10 na ng gabi.

Inayos lang sandali ni Lu Jinnian ang mga gamit niya na nasa lamesa at agad

na rin siyang lumabas sa kwarto. Nakita niya kaagad ang atat na atat na si

Qiao Anxia na walang pagdadalawang isip na lumapit sakanya at pagalit na

sinabi, "Lu Jinnian, magusap tayo."

Hindi nagbago ang itsura ni Lu Jinnian at halatang hindi siya interado kay

Qiao Anxia kaya nilagpasan niya lang ito nagdire-diretso siya sakanyang

office.

Magalang na ngumiti ang assistant at sinabi kay Qiao Anxia, "Miss Qiao, kung

may kailangan kang sabihin kay Mr. Lu, pwede mo siyang kausapin sa office

niya."

Inirapan ni Qiao Anxia ang assistant at padabog na sinundan si Lu Jinnian.

Pagkabukas ni Lu Jinnian ng pintuan ng kanyang opisina, dumiretso siya

kaagad sa upuan niya. Buong araw na siyang babad sa trabaho at hindi pa

talaga siya nakakain ng maayos kaya sobrang pagod na pagod talaga siya.

Habang nakaupo, itinaas niya ang kanyang kamay para masahiin ng bahagya

ang ulo niya.

Matapos samahan ng assistant si Qiao Anxia papunta sa opisina ni Lu Jinnian,

ipinagtimpla niya muna ng kape ang dalawa bago niya iwanan ang mga ito.

Próximo capítulo