Buong araw na wala sa mood si Lu Jinnian pero nang marinig niya na tinawag
ni Qiao Anhao ang kanyang pangalan, parang bigla nalang gumaan ang
pakiramdam niya. Hindi nagtagal, mahinahon siyang sumagot, "Hmm?"
Kahit napakasimple lang ng naging sagot ni Lu Jinnian, sapat na ito para
mapanatag ang hindi mapalagay na puso ni Qiao Anhao. Pero hindi niya alam
kung anong sasabihin niya dahil hindi niya naman pwedeng sabihin na
namimiss niya na ito…masyadong nakakababa ng pagkatao.
Hindi siya sigurado sa tanong niya pero sinabi niya pa rin ito, "Lu Jinnian,
klumain ka na ba ng dinner?"
Napatingin si Lu Jinnian sa biniling pagkain ng kanyang assistant na hindi
niya pa nagagalaw at mahinahong sumagot, "Kumain na ako."
Nang muli niyang ibaling ang kanyang tingin sa bintana, nakita niya ang
sigarilyo na nasa kamay niya, alam niyang hindi ni Qiao Anhao na malaman
na nainigarilyo siya kahit hindi siya nakikita nito sa phone magugustuhan,
kaya hindi siya nagdalawang isip na itapon ito kahit halos kalahati palang ang
nauubos niya.
"Anong kinain mo?"
Muling sinilip ni Lu Jinnian ang pagkain na nasa tabi niya. "Pizza."
"Hindi yan masustansya, ako rin gusto ko ng pizza pero dapat hindi ka laging
kumakain ng ganyan. Masyado yang mamantika…" Kanina lang hindi alam ni
Qiao Anhao kung anong sasabihin niya, pero ngayon halos hindi na siya
maawat sa pagsasalita.
Walang kahit kaunting inis na nararamdaman si Lu Jinnian, bagkus, mas
panatag pa nga siya ngayon na kausap niya si Qiao Anhao.
Habang nasa kalagitnaan ng kanilang paguusap, may dumating na nurse para
tanggalin ang swero sa kamay ni Qiao Anhao kaya nailipat niya na ang phone
sa kabila niyang kamay. Wala siyang intensyon na tapusin na ang usapan nila
ni Lu Jinnian pero naputol na ang tawag pagkaalis ng nurse kaya dali-dali
niyang itong pero bago pa mag'ring, bigla niya itong pinatay para pindutin ang
video call.
Sumagot naman kaagad si Lu Jinnian pero medyo matagal bago lumabas sa
screen ang mukha niya.
Masyadong madilim ang paligid niya kaya binuksan niya ang ilaw sa loob ng
sasakyan.
Ang unang tinanong ni Qiao Anhao ay, "Nasa kotse ka?"
Napansin niya rin na parang mas nangitim pa ang paligid ng mga mata ni Lu
Jinnian kuumpara dati at halata sa mukha nito na parang pagod na pagod ito.
Nakutuban niya na wala itong tulog kaya bigla niyang tinaggal ang kumot na
nakapatong sakanya. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama at naglakad
papunta sa bintana. Pagkahawi ng mga kurtina, nakita niya ang nakailaw na
sasakyan ni Lu Jinnian na nakaparada sa hindi kalayuan.
Tama nga ang kutob niya, naghihintay ito sakanya sa baba…
Naramdaman niya na parang sumikip ang dibdib niya at bigla nalang nanginig
ang kanyang mga daliri habang nakahawak sa phone. Noong sandali ring
iyon, muli siyang nagsalita ng malambing, "Lu Jinnian, lumabas ka sa
sasakyan mo."
"Bakit?"
"Baba."
Pagkatapos ng ikalawang beses niyang magrequest, nakita niya na bumaba
talaga si Lu Jinnian ng sasakyan.
"Nakalabas na ako, bakit..? Habang nagtatanong si Lu Jinnian, bigla siyang
napatingin sa bintana na kanina niya pa sinisilip at bandang huli, hindi niya
na natapos ang gusto niyang sabihin.
Ngayong araw, ilang beses niyang sinilip ang bintana na nasa ikalawang
palapag pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita si Qiao Anhao na
nakatayo sa harapan nito habang may hawak na phone. Hindi niya man
nakikita ang mukha ni Qiao Anhao dahil sa distansya, naaninag pa rin naman
niya pagkaway nito.