Umalis si Xu Jiamu sakay ng isang taxi, samantalang si Song Xiangsi ay malayo ang tingin at hindi makagalaw.
Ito na ang pangalawang beses na umalis ito ng sobrang galit sakanya. Noong unang beses, naaksidente ito.
Pero ang hindi niya maintindihan ay bakit sobra itong galit sakanya, kung siya naman talaga ang tunay na may karapatang magalit?
Para sa limampung libo, binenta niya ang sarili niya sa loob ng pitong taon… Sobrang mura, at kung hindi niya talaga mahal si Xu Jiamu, paano niya magagawang magtiis na samahan ito sa loob ng napakahabang panahon nang wala man lang silang malinaw na titulo.
Tama, wala silang kahit anong titulo.
Sa nagdaan na pitong taon, isa lang siyang babae ni Xu Jiamu. Kahit kailan ay hindi siya pinakilala nito sa mga kaibigan nito. Hindi rin nila pwedeng gawin ang mga pangkaraniwang ginagawa ng mga magkasintahan, kahit pa ang simpleng paghawak kamay sa labas.
Noong una, wala naman talaga siyang problema at iniisip niya lang palagi na sa loob ng pitong taon nilang pagsasama, dadating din ang araw na mamahalin siya ni Xu Jiamu, pero kahit kailan ay hindi yun nangyari, at sa halip, sinabihan pa siya nito na ikakasal na ito.
Pero hindi sakanya.
Dati babae lang siya ni Xu Jiamu, pero gayon magiging babae at kabit na siya?
Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na tuluyan na siyang nagising sa katotohanan nang may narinig siyang isang paguusap sa telepono.
"Halos magkaedad lang kami, at panahon na rin para magpakasal ako… Ngayong taon na ako ikakasal…Wag mong kakalimutan ang regalo ko ha…Tungkol ba ito sa babaeng biniliko ng limampung libo? Naguusap pa rin kami hanggang ngayon…Bahala na, pagiisipan ko nalang pagkatapos kong magpakasal…Hindi mo naman siguro iniisip na papakasalan ko siya diba? Alam mo naman na kailangan ko ng taong kapantay ko ng pamumuhay…"
Kapantay ng pamumuhay, sobrang tumagos sa puso ni Song Xiangsi ang mga salitang iyon at kahit kaila ay hindi niya makakalimutan ang sakit na idinulot nito sakanya.
Noong mga sandaling iyon, naintindihan niya na ang isang normal na babaeng kagaya niya ay kailanma'y hindi maairing maging isang Cinderella na pwedeng magpakasal sa isang prinsipe.
Natiis niya man ang pitong taon, pero hindi pa rin siya kayang iharap nito sa publiko.
Pitong taon ng pagtatago sa kadiliman, pagod na siya.
Kung hindi rin naman sila ang magkakatuluyan sa huli, mabuti pang tapusin niya na ito ngayon palang.
-
Pagkabalik nina Qiao Anhao at Zhao Meng sa hotel, agad na itinuro ni Zhao Meng ang lamesa para sabihin sakanyang kaibigan, "Pinadala yan ng assistant ni Mr. Lu. Ang sabi niya, hindi ka raw masyadong nakakain ng dinner kaya pinagtake out ka niya."
Nakatitig lang si Qiao Anhao sa nakabalot na pagkain bago siya pumasok sa CR.
Pagkalabas niya, tinanong siya ni Zhao Meng na kasalukuyang nakaupo sa kama, "Hindi ka ba kakain?"
Parang walang narinig si Qiao Anhao at nagdire-diretso siya sa salamin para maglagay ng kanyang mga skin care product.
Nakapaang tumakbo si Zhao Meng papunta sa lamesa at sinilip ang laman ng karton ng pagkain. "Mukhang masarap, Qiao Qiao. Ang bait niya talaga sayo, napansin niya paa hindi ka masyadong nakakain…"
Biglang napisil ni Qiao Anhao ang eye cream na nasa kamay niya kaya medyo naparami ang lumabas mula rito. Naiinis siyang kumuha ng tissue para linisin ang nagawa niyang kalat at pagkatapos ay bigla niya nalang inihagis sa lamesa ang bote ng cream. Hindi nagtagal, humiga siya sa kama at nagtalukbong ng kumot para magpanggap na tulog.
Noong sandaling iyon, bigla nalang tumahimik si Zhao Meng.
Walang ibang makita si Qiao Anhao sa ilalim ng kundi kadiliman at hindi maalis sa kanyang isipan ang usapan na narinig niya sa CR. Gulong-gulo siya dahil pinipilit niyang pigilan ang tunay niyang nararamdaman. Paulit-ulit man niyang alalahanin ang abortion papers na pinirmahan ni Lu Jinnian, hindi pa rin ito sapat para mapigilan ang aumang mararamdaman niya.
-
Ginawa ni Qiao Anhao ang lahat para hindi pansinin ang mga ikinikilos ni Lu Jinnian para sakanya pero bandang huli may biglang nangyari sa set na naging dahilan ng muli nilang paglalapit.