webnovel

Lihim na karamay (26)

Editor: LiberReverieGroup

Kumpara sakanya, di hamak na mas kalmado si Song Xiangsi. Walang bakas ng galit sa mukha nito at nagawa pa nitong kumuha ng kumot na ginamit nitong pangtabing sa katawan. Hindi nagtagal, tumungo lang ito at sinabi, "I'm sorry, nakalimutan ko na binenta ko nga lang pala ang sarili ko sa halagang limampung libo, dahil nagamit mo na ako sa loob ng pitong taon, sigurado ako na napagbayaran ko na 'yun, kaya tapusin na natin ito Mr. Xu."

Hindi niya alam kung paano siya sasagot pero sa sobrang galit ay bigla niya nalang sinabi, "Bahala ka, sa tingin mo ba may pakielam ako? Nagamit na kita ng pitong taon at nagsawa na ako sayo."

Dali-dali siyang bumangon sa kama at nagbihis ng kanyang damit. Galit nag alit siyang lumabas ng kwarto at binalibag ang pintuan.

Sa totoo lang, hindi naman madaling uminit ang ulo niya, pero noong araw na 'yun sobrang galit na galit talaga siya. Habang nakatayo sa labas ng pintuan, napansin niya na nakalimutan niya ang kanyang wallet at kahit gusto niya sanang balikan ito sa loob, hindi niya ito kayang gawin kaya chinat niya nalang si Song Xiangsi, [Nakalimutan ko ang wallet ko]

Alam niya na laging inaabangan ni Song Xiangsi ang mga chat niya pero matapos niyang maghintay ng napakatagal, wala siyang nakuhang sagot mula rito. Sa inis niya, tinext niya na ito ngunit hindi pa rin ito nagreply sakanya kaya naisipan niya ng tawagan ito at doon niya lang nalaman na nakablacklist na siya. 

Muli nanamang bumulusok ang matinding galit sakanyang puso at nagdire-diresto siya sa elevator para pumunta sakanyang sasakyan.

Ang naalala niya lang noong gabing iyon ay gulong gulo ang isipan niya at sa kagustuhan niyang makalimot, nagpatakbo siya ng sobrang bilis. 

Pagkarating niya sa underground tunnel, bigla niya nalang kinabig ang kanyang manibela para iwasan ang kasalubong niyang puting kotse at ang naalala niya nalang ay tuluyan na siyang nabangga sa pader ng tunnel.

Bago siya mawalan ng malay, walang ibang tumatakbo sakanyang isip bukod kay Song Xiangsi. Kailan pa ito naging sobrag importante para sakanya? Sobrang importante na naaksidente pa siya dahil dito… Inisip niya pa nga kung malulungkot ito kapag namatay siya…

Pero lumabas na ang katotohanan na wala talaga itong nararamdaman para sakanya, kaya bakit nga ba ito malulungkot?

Siyam na buwan siyang nacoma pero pagkagising niya, wala man lang itong paramdam sakanya. Sinubukan niya pa nga itong tawagan pero nalaman niya na nakablacklist pa rin siya rito hanggang ngayon…

Habang inaalala niya ang mga nangyari sa nakaraan, tinignan niya si Song Xiangsi na mukhang walang kamalay malay sa mga paghihirap na pinagdaanan niya. Bigla nalang siyang nahimasmasan at walang alinlangan niya itong hinila sa kama, na punong puno ng magaganda nilang ala ala sa nakalipas na pitong taon, para pagsamantalahan ito…

Inaamin niya na gusto niya talagang gumanti noong gabing iyon. Gusto niyang ibuhos ang lahat ng galit na nararamdaman niya pero gaano man karahas ang naging trato niya kay Song Xiangsi, nagawa pa rin nitong ngumiti sakanya kahit na alam niyang sobrang nasaktan niya ito.

Pagkagising niya kinabukasan, hindi man lang nabawasan ang sama ng loob niya. Napansin niya na nakaalis na ito at doon niya lang nalaman na lumuwas na ito sa Yun Nan para sa trabaho.

Hindi man lang ito nagpaalam na aalis na ito, kaya hindi na rin siya nagabalang magtanong.

Sinasayang lang ba nila ang oras ng isa't-isa? Parang pareho lang nilang hinihintay na magalit ang isa. Pero ngayon, pupunta siya sa Hengdian…dahil alam niyang pupunta si Song Xiangsi sa opening ceremony ng 'Heaven's Sword'.

Pagkalapag ng eroplano sa Hangzhou, bumyahe pa sila papunta sa Hengdian kaya alas otso na ng gabi sila nakarating.

Próximo capítulo