Magisa lang si Lu Jinnian na nakatayo sa living room at rinig na rinig niya ang masasayang tawanan na nagmumula sa dining room. Hindi maikakaila na tunay ngang napakasaya ng kapaligiran pero wala siyang ibang maramdaman kundi ang matinding kalungkutan na bumabalot sakanyang buong katawan na mukhang walang balak kumakalma.
Hindi niya na namalayan kung gaano na siya katagal na nakatayo kaya nang magbukas ang pintuan ng dining room, pinilit niyang itago ang kanyang kalungkutan at dali-daling kinuha ang kanyang phone mula sakanyang bulsa at itinapat sa tenga niya para magpanggap na may kausap.
Agad na tinawag ni Xu Jiamu si Lu Jinnian pagkalabas niya ng dining room, "Bro". Pero nang makita niyang may kausap ito sa phone, bigla niyang itinikom ang kanyang bibig at pumunta nalang sa CR.
Ibinalik ni Lu Jinnian ang phone niya sa loob ng kanyang bulsa noong narining niya na ang tunog ng flush mula sa CR. Lumabas si Xu Jiamu na nagtutuyo ng kamay nito gamit ang tissue at nang makita siyanito na wala ng kausap, walang alinlangan itong nagsalita, "Tapos ka na bro?"
Bahagyang tumungo si Lu Jinnian.
May tumawag kay Xu Jiamu mula sa dining room na sinagot niya ng may matining na boses. Itinapon niya ang tissue sa basurahan at tumingin kay Lu Jinnian. "Tara, kain tayo."
Hindi gumalaw si Lu Jinnian sa kanyang kinatatayuan at walang kabuhay-buhay na sinabi, "Kailangan ko ng umalis, may importante pa akong gagawin."
Bakas sa mga mata ni Xu Jiamu na nalungkot siya sa naging pagtanggi ni Lu Jinnian pero hindi na siya nagpumilit. "Sige. Kung may oras ka mamaya, kumain nalang tayo."
Isang maikling "mm" lang ang naging sagot ni Lu Jinnian. Sinilip niya ang pintuan ng dining room at matapos ang dalawang segundo, walang imik siyang naglakad papalabas.
Kumpara kaninang umaga, di hamak na mas malamig at presko na ang hangin ngayong gabi sa labas.
Kumuha si Lu Jinnian ng isang tasa ng tsaa at tumayo sakanyang balcony habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.
Ang tanging rason kaya siya pumayag sa imbitasyon ni Xu Jiamu ay dahil nakita niyang pumasok si Qiao Anhao sa mansyon nito kainang umaga.
Alam niya na kapag pumunta siya, sasaktan niya lang ang kanyang sarili sa mga posible niyang makita at marinig.
Pero wala na siyang magawa dahil dalawang daan at limamput isang araw lang ang ipinagkaloob sakanya ng Diyos para makasama si Qiao Anhao. Tapos na ang kanyang pagpapanggap bilang si Xu Jiamu kaya wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang saktan ang kanyang sarili para lang mapalapit dito.
Ang gabihang iyon ay di hamak na mas masakit kumpara sa inaakala niya, pero ayos lang iyon dahil ang mahalaga ay nakita niya ito at dalawag beses niya pa itong nakausap, hindi ba?
Ang dalawang paguusap na itinutukoy niya ay: noong nagsabi siya ng "Salamat" pagkabigay nito sakanya ng tsaa, at ang pangalawa ay noong sinabi niya na "Ibigay mo sa akin" pagkababa nito ng telepono matapos nitong kausapin si Han Ruchu. Pero sulit naman ang lahat, hindi ba?
Nakatayo lang siya hanggang sumapit ang alas diyes ng gabi, hanggang sa Hinintay ni Lu Jinnian na matapos ang kasiyahan sa kabilang mansyon kaya nakatayo lang siya sa kanyang balcony hanggang sumapit ang alas diyes ng gabi. May dalawang taong lasing na sigaw ng sigaw pagkapasok ng mga ito sa sasakyan kaya nagalit ang aso sa kapitbahay at walang humpay itong kumahol.
Napuno ang bakuran ng mga ilaw na nanggaling sa mga sasakyang isa-isang lumalabas.
Habang nakatayo si Lu Jinnian sa pangalawang palapag ng kanyang mansyon, natanaw niya sina Xu Jiamu at Qiao Anhao na nakatayo sa gate ng bakuran at hindi nagtagal, sabay na naglakad ang dalawa papasok ng mansyon. Nang sandaling magsara ang pituan ng kapitbahay, tuluyan ng tumahimik ang kapaligiran.
Tanging sina Xu Jiamu at Qiao Anhao nalang ang naiwan sa katabing mansyon…
Lumikot ang isipan ni Lu Jinnian at naalala niya ang nakita niyang mga karton ng condom na kasama sa mga pinamili ni Xu Jiamu noong pumunta siya sa dinner nito at hindi niya na kayang isipin ang mga maaring mangyari.
Matapos ang kalahating oras, tuluyan ng namatay ang mga ilaw sa katabing mansyon. Biglang nanginig ang mga kamay ni Lu Jinnian kaya nabitawan niya ang tasa na hawak niya at nagkabasag basag ito sa sahig.