"THUD!"
Isang malakas na tunog ang biglang umalingawngaw sa buong opisina ni Lu Jinnian at ang assistant na nakatayo sa isang gilid ay ayaw magbakasakaling gumawa ng kahit anong ingay.
Tila kinakapos ng hininga si Lu Jinnian sa sobrang galit. Tumayo siya mula sakanyang lamesa at bunksan ang aparador para maghanap ng sigarilyo. Kumuha lang siya ng isang stick at marahas na inihagis ang isang buong kaha sa basurahan bago siya maglakad papunta sa bintana kung saan tahimik siyang tumayo habang nakadungaw sa labas.
Matagal siyang walang imik bago niya bahagyang napakalma ang kanyang sarili. Tumingin siya sakanyang assistant para magtanong, "Alam mo na ba ang sitwasyon g Xu Enterprise board ngayon? Kamusta?"
"Malapit na akong matapos sa bagay na yan."
Tumungo si Lu Jinnian.
Muling nagsalita ang kanyang assistant, "Mr. Lu, sigurado ka na ba sa gagawin mong desisyon?"
Hindi agad sumagot si Lu Jinnian at nanatili lang siyang nakadungaw sa bintana.
Matapos ang isang minuto, pabulong siyang nagsalita, "Yea", parehong mahina at walang emosyon ang kanyang boses. "Kagaya ng plano ko."
Hindi na pinilit ng assistant na magbago ng isip si Lu Jinnian. "Sige, ihahanda ko na."
Hindi sumagot si Lu Jinnian kaya agad na kinuha ng assistant ang dokumento dahil alam niya na mas makakabuti kung aalis muna siya pero matapos ang dalawang hakbang, bigla siyang nagalangan at hindi siya mapalagay na nagtaong, "Mr. Lu, handa ka na ba na iwanan si Miss Qiao ng ganito?"
Nanatiling tahimik si Lu Jinnian habang unti-unting binabalot ng lungkot ang kanyang puso.
Iniangat ng assistant ang isa niyang kamay para kuskusin ang kanyang ilong. "Mas naging mabuti na ang relasyon ninyo ni Miss Qiao. Kahit na nagustuhan niya noon si Mr. Xu, hindi naman ibig sabihin na hindi siya pwedeng mahulog sayo. Paano kapag biglang nagbago ang kanyang isip at napagdesisyunan niyang ayaw niya na pala kay Mr. Xu, hindi ba parang pinakawalan mo nalang siya ng ganun kadali?"
Sa kabila ng mga nakakakumbinsing salita ng assistant, nanatili pa ring walang imik si Lu Jinnian. Itinaas ng assistant ang isa niyang kamay para kuskusin ang kanyang ilong sa pangalawang beses bago siya magsalita na halatang naiilang, "Er… Mr. Lu, kalimutan mo nalang ang mga sinabi ko. Wala na kong ibang kailangan, aalis na muna ako."
Hindi makagalaw si Lu Jinnian sakanyang kinatatayuan. Noong narinig ng malayo na ang mga yabag ng kanyang assistant, muli siyang humarap sa bintana para tignan ang maulap na kalangitan habang paulit ulit niyang naririnig sa kanyang isipan ang mga sinabi ng assistant.
-
Inilapag ni Qiao Anhao ang walang laman na mangkok sa lamesang nasa gilid ng kama at pinunasan ang bibig ni Xu Jiamu gamit ang isang basang tuwalya. Iniangat niya ang kanyang ulo para tinignan ito ng diretso sa mga mata at nagtanong, "Ano ba talagang nangyari sayo noong araw ng aksidente mo? Hindi ka naman nakainom pero bakit sobrang lala ng pagkakabangga mo?"
Biglang bumakas ang galit sa mga mata ni Xu Jiamu pero pinilit niyang tumawa ng bahagya bago sagutin ang katanungan ni Qiao Anhao. "Hindi ako nakapagpreno kaagad kaya ako naaksidente. Pero ayos naman na ako ngayon, mukha bang hindi pa?"
"Buti nalang talaga at maayos ka na," naiinis na sagot ni Qiao Anhao. Pero noong sandali ring iyon, biglang naging seryoso ang kanyang mukha at mahinahong nagtanong, "Brother Xu, matagal mo na bang alam ang tungkol sa kasunduan nating magpakasal?"
Hindi sumagot si Xu Jiamu.
Matapos ang ilang sandaling pananahimik, muling nagsalita si Qiao Anhao, "Patawarin mo ako, pero hindi kita kayang pakasalan."