webnovel

Mahal kita, Mahal kita (12)

Editor: LiberReverieGroup

Matapos itong sabihin ni Qiao Anhao, bigla niyang naalala ang kanyang kabataan. Para lang makita dati si Lu Jinnian, pumupunta siya sa CR at dadaan classroom nito. Noong mga oras na yun, alam niyang may nararamdaman na siya para rito pero mas pinili niyang itago at walang ibang makaalam.

Mahinhin at maganda ang boses ni Qiao Anhao. Sa totoo lang, lalaki ang tunay na kumanta ng napili nilang kanta pero noong sandaling kinanta niya ang unang linya, kakaibang vibe ang nabigay ng kanyang boses sa kanta. 

Noong mga oras na yun, naramdaman din ni Lu Jinnian ang naramdaman ni Qiao Anhao, na para bang bumalik din siya sa kanyang kabataan. Araw-araw pagkatapos ng pasok nila noon sa school, sikreto niya itong sinusundan, pinapauod niyang makauwi ito kasama nina Qiao Anxia at Xu Jiamu. May mga pagkakataon ding naglalakad ito ng magisa sa napakahabang kalsada sa ilalim ng pulang kalangitan na dulot ng paglubog ng araw. Nasa harap niya ito parati at lagi lang siyang nasa likod para sumunod pero kahit lumipas na ang mahabang panahon, hindi pa rin siya nagsawa at ang kanyang pagibig para kay Qiao Anhao ay wala pa ring pinagbago, puro at maganda pa rin.

Itinapat ni Lu Jinnian ang mikropono sa kanyang bibig para magpatuloy sa kanta.

"I waited for you by the road with my bike.

"In the cold night, you stood beside me, and all I saw was the beauty of your eyes.

"We didn't ever say goodbye, our separation usually silent." 

Ipinagpatuloy ni Qiao Anhao ang sunod na linya.

"Will you think of me occasionally, like how I would often speak of the past?" 

Si Lu Jinnian ang kumanta ng sunod na dalawang linya.

"Conversations are endless under the summer wind and autumn rain, 

"But one autumn, we just lost contact."

Kay Qiao Anhao muli ang mikropono.

"Will you think of me occasionally, or am I no longer part of your life?" 

Tumingin sila sa isa't-isa, punong-puno ang kanilang mga mata ng pagmamahal habang kumakanta sila.

Pero walang nakakaalam na pareho pa sila ng inaalalang kabataan.

Pareho nilang binigyan ng torch ang bawat isa noon pero hindi sila nagusap. Madalas din silang magkasalubong at kahit na para sa karamihan ay tadhana lang ang nangyayari, malinaw sakanilang mga sarili na sinadya nilang makita ang bawat-isa. Gaano karaming effort na nga ba ang nagawa nila para sa isa't-isa?

Maganda ang mga ala ala nila noon at naging mabuting magkaibigan sila, pero bandang huli, nagwakas din ito at nagkalayo sila ng limang taon.

Sa nakalipas na limang taon, hindi tumigil si Qiao Anhao sa kakaisip kay Lu Jinnian pero wala siyang magawa kundi dumepende nalang sa mga tsismis para lang magkaroon ng balita tungkol dito. 

Sa nakalipas din na limang taong na iyon, hindi rin nakalimutan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao. Para lang makibalita, sinasamantala niya na may gusto sakanya si Qiao Anxia para makapagkwento ito.

Kinanta ni Qiao Anhao, "You were there in my youth."

Sinundan naman ni Lu Jinnian, "I was there in your youth."

Pareho nilang inakala na nawala na nila ang bawat isa, pero pareho din nilang hindi alam na sila ang tunay na minamahal ng isa't-isa. Si Qiao Anhao ang pinakamagdang ala ala ng kabataan ni Lu Jinnian, ito ang pinaka puro at pinaka iniingatan niyang aalala ng kanyang kabataan.

Napuno ang buong kwarto ng kanilang magagandang boses. Bago lang ang kantang ito at hindi nila alam na pareho pala nilang gusto ito, marahil dahil noong kabataan nila, mayroon silang ala ala sa bawat isa na pinakainingatan nila, at hanggang ngayon ay nakakapit pa rin sila sa pag-ibig na yun.

Kinanta naman ni Lu Jinnian sa pagkakataong ito, "I had you in my youth."

Nagsecond voice si Qiao Anhao, "I had you in my youth."

Pagkatapos ng dalawang huling linya, unti-unting humina ang background music hanggang sa tuluyan na itong mawala.

Ang makukulay na ilaw mula sa spot light ay patuloy pa rin ang pag-ikot at natatamaan ng sinag nito ang kanilang mga mukha. 

Tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian, masaya at malambing ang kanyang itsura.

Tumingin din si Lu Jinnian kay Qiao Anhao, seryoso ang itsura niya at hindi mabasa kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman.

Sa kaloob looban ng puso ni Qiao Anhao ay tahimik niyang sinabi: Lu Jinnian, mahal kita.

Samantalang si Lu Jinnian naman na may halo halong nararamdaman ay sinabi rin sakanyang sarili: Qiao Anhao, mahal kita.

Próximo capítulo