webnovel

Patawarin mo ako (21)

Editor: LiberReverieGroup

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ni Qiao Anhao na nagwala si Lu Jinnian, pero kung ikukumpara sa mga nakaraan, ito ang pinaka malala. Halatang punong-puno ito ng pagkamuhi kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng takot.

Gusto niya sana itong lapitan pero medyo kinakabahan siya kaya pinagmasdan niya muna ang sunod nitong gagawin. Nang makumpirma niya na mas naging kalmado na si Lu Jinnian at mukhang wala na rin itong balak na magwala muli, dahan-dahan siyang lumapit para tulungan itong tumayo ngunit noong sandaling mahawakan niya na ang braso nito, mabilis siyang umatras sa takot na baka bigla lang siyang itulak. Wala naman itong naging imik kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob na tuluyan ng lumapit at tawagin ng mahina ang pangalan nito.

Hindi pa rin lubusang nawawala ang takot na nararamdaman niya pero sinubukan niya pa ring tawagin ng mahina ang pangalan nito, na sa sobrang hina ay aakalaing hangin lang. Ngunit ang hindi niya alam, masyado palang makapangyahiran ang kanyang boses kaya nang sandaling marinig ito ni Lu Jinnian, bigla nalang kumalma ang galit na galit nitong puso at unti-unti na itong nahimasmasan. Hindi nagtagal, nang may namumulang mga mata, dahan-dahan tumingin si Lu Jinnian sa natatakot ngunit halatang nagaalala niyang mga mata, at mukhang doon palang ito tuluyang nahimasmasan.

Kasalukuyang nanunuod si Madam Chen ng TV sa baba nang marinig niya ang pagtili ni Qiao Anhao kaya sa sobrang gulat at pagaalala, ilang beses siyang sumigaw ng "Mrs. Lu" pero hindi siya nakuha ng kahit sagot kaya nagmadali siyang umakyat. Pagkarating niya sa study room, hindi niya napigilan ang kanyang sarili na muli na namang mapasigaw sa mga bumungad sakanya, "Mr. Lu, anong nangyari?"

Nagmamadali siyang naglakad papalapit habang nag'aalalang sumigaw, "Mr. Lu, bakit ang dami mong sugat? Tatawag ako ng doktor!"

"Hindi na kailangan…" Simula nang mamatay ang ina ni Lu Jinnian sa ospital, kahit kailan ay hindi nya na ginustong makakita ng doktor at ni isang beses ay hindi siya nagtangkang manghingi tulong mula sa mga ito kahit pa para sa ibang tao. Sa kabila ng napakarami niyang sugat, hindi niya nakikitang sapat na rason ang ito para humingi ng tulong sa doktor kaya hindi siya pumayag sa gustong mangyari ni Madam Chen.

"Pero…" Napakarami nitong sugat… At dahil tag'init ngayon, mas malaki ang posibilidad na maempeksyon ang mga ito. Paano kung may natirang mga butil ng bubog sa katawa nito? Gusto pa sanang makipagtalo ni Madam Chen pero bigla itong napatingin sa braso ni Qiao Anhao at nakita niya na may sugat rin ito kaya muli nanaman siyang napatanong sa labis na pagaalala, , "Mrs. Lu, bakit may sugat ka rin? Baka magpeklat yan kapag hindi nagamot ng maayos."

Dali-daling tinignan ni Lu Jinnian ang braso ni Qiao Anhao at nang makumpirma niya na may sugat rin ito, bigla siyang nataranta at walang alinlangang inutusan si Madam Chen, "Bakit nakatingin ka lang? Bilisan mo at tumawag ka na ng doktor."

Sumagot lang si Madam Chen ng mahinang "Yea" at nagmamadali itong tumawag.

Tumawag si Madam Chen sa pinakamalapit na pribadong ospital sa Mian Xiu Garden kaya nakarating din kaagad ang doktor matapos ang halos sampung minuto.

Noong mga sandaling iyon, naakay na ni Qiao Anhao si Lu Jinnian pabalik sa kwarto nila kaya doon na rin hinatid na Madam Chen ang doktor.

Kumpara sa pinsalang natamo ni Lu Jinnian, di hamak na minor lang ang kay Qiao Anhao at ang mga ganung klase ay hindi naman na talaga kailangang itawag ito ng doktor. Sa totoo lang, kahit nga hindi na ito gamutin, kusa rin naman itong gagaling pagkalipas ng ilang araw kaya naisip ni Madam Chen na ituro si Lu Jinnian na nasa sofa. "Unahin mo munang gamutin ang mga sugat ni Mr. Lu."

Próximo capítulo