Biglang dumating ang period niya habang natutulog siya?
Sino namang tumulong sakanya isuot ang sanitary pad? Hindi niya maintindihan ang nangayayri.
Nagakyat si Madam Chen ng isang baso ng tubig. "Missus, buti naman at nagising ka na. Sa sobrang himbing ng tulog mo kagabi, hindi mo na namalayang dumating na pala ang period mo, buti nalang napansin ni Mr. Lu."
Si Lu Jinnian ang nakaalam? So ang ibig sabihin ba 'nun ay umuwi ito sa Mian Xiu Garden kagabi?
Sa sobrang kadaldalan ni Madama Chen, muli siyang nagsalita, "Hindi alam ni Mr. Lu na may period ka noong nakita niyang dinudugo ka. Akala niya may nangyari na sayong masama kaya nagmamadali siyang binuhat ka para tumakbo sa ospital. Tinakot mo talaga ako noong mga oras na yun."
May mga nangyari ba talagang ganun? Hindi magawang ngumiti ni Qiao Anhao kahit kaunti dahil hindi mawala sa kanyang isip na sinusuotan siya ni Lu Jinian ng sanitary pad.
Biglang uminit ang mukha ni Qiao Anhao at hindi niya napigilang tumingin kay Lu Jinnian.
Kagaya ng nakasanayan, kalmado lang ang itsura ni Lu Jinnian at mula nang kunin niya kay Madam Chen ang isang baso ng tubig, di hamak na mas gumaan ang kanyang pakiramdam. Matagal niyang hawak ito bago siya maglakad papunta sa gilid ng kama.
Habang papalapit siya, lalo pang uminit ang mukha ni Qiao Anhao kaya hindi na nito napigilang yumuko.
Si Madam Chen na nakatayo lang sa gilid ay muling nagsalita, "Missus, salamat sa diyos at dumating na ang period mo. Noong mga sandaling 'yun, akala ko nakunan ka na…"
Nang marinig ni Lu Jinnian ang salitang kakasabi lang ni Madam Chen, biglang nandilim ang kanyang paningin pero pinilit niyang kalmahin ang kanyang sarili at nagsalita para putulin ang sinasabi ni Madam Chen, ""Nagising na ang Missus, siguradong gutom na siya. Nagluto ka ba ng sabaw? Magakyat ka rito."
Biglang naalala ni Madam Chen ang mga kailangan nitong gawin dahil sa paalala ni Lu Jinnian. "Mauuna na ako."
Nagmamadali itong tumakbo at bumaba ng hagdanan.
Hindi maalis sa isip ni Qiao Anhao na sinusuotan siya ni Lu Jinnian ng sanitary pad kaya hindi niya nabigyang pansin ang mga sinabi ni Madam Chen. At isa pa, kahapon ng hapon niya pa alam na darating na ang kanyang period dahil nararamdaman niyang kinakabag na siya, kaya hindi niya ito masyadong inisip.
Nang makitang walang kahit anong pagbabago sa itsura ni Qiao Anhao, biglang napanatag si Lu Jinnian at iniabot niya rito ang basong hawak, "Gusto mong uminom?"
Sobrang namula ang mukha ni Qiao Anhao nang sandaling marinig niya ang boses ni Lu Jinnian. Iniangat niya ang kanyang ulo para tignan ito at pagkakuha niya ng baso ay muli nanaman siyang yumuko.
Nakalahati na ni Qiao Anhao ang baso noong bumalik si Madam Chen na may dalang mga pagkain.
Inilapag ni Madam Chen ang tray sa kabinet na nasa tabi ng kama at kinuha niya ang sabaw. Hinalo niya muna ito ngunit noong susubuan na sana niya si Qiao Anhao ay biglang nagsalita si Lu Jinnian, na nakatayo lang din sa malapit, " Ako na."
Matapos magsalita ni Lu Jinnian, umupo siya sa kama at inayos ang dalawang unan sa tabi ni Qiao Anhao.
Biglang natigilan si Madam Chen ngunit agad din naman nitong ibinigay ng masigasig kay Lu Jinnian ang sabaw.
Sumalok si Lu Jinnian ng isang kutsara ng sabaw at hinipan niya muna ito bago ilapit sa mga labi ni Qiao Anhao.
Medyo nagulat si Qiao Anhao sa mga ipinapakita sakanya ni Lu Jinnian. Napakunot siya ng kanyang mga kilay at nagalangan na baka nanaginip lang siya ngunit hindi niya naman ito pinaghintay ng matagal at unti-unti niyang binuksan ang kanyang bibig para isubo ang sabaw.
Matapos siyag pakainin ni Lu Jinnian ng sabaw, kinuha naman nito ang kanin para ipakain rin sakanya.
Pinasingawang isda ang iniluto ni Madam Chen kaya sa tuwing susubuan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao, ingat na ingat niyang hinihimay ang mga tinik nito.
Tutok na tutok at seryoso ang mukha ni Lu Jinnian habang naghihimay na para bang may ginagawa itong mahalagang trabaho.
Medyo gulat pa rin si Qiao Anhao. Pakiramdam niya talaga ay panaginip lang ang lahat ng nangyayari.