Nasasaktan si Qiao Anhao para kay Lu Jinnian. Parang may bumara sa kanyang lalamunan na pinipigilan siyang magsalita.
Habang nakadungaw si Lu Jinnian, unti-unti siyang ngumiti, na para bang tinatawanan niya lang ang kanyang sitwasyon. Muli siyang nagsalita ng kalmado, "Pero ayos lang yun, nasanay na ako."
Nasanay na…
Sinabi lang yun ni Lu Jinnian para hindi na malungkot si Qiao Anhao. Wala siyang kaalam-alam na ang taong pinakamamahal niya, ang taong laging mayabang at ilag ay may napakalungkot pakang kwento na walang sinuman ang nakakaalam.
Ramdam ni Qiao Anhao na nagluluha na ang kanyang mga mata. Tumingin siya kay Lu Jinnian na nakadungaw sa bintana. Nagipon siya ng lakas ng loob at sinabi, "Kung noon walang may gustong magcelebrate kasama mo, pero ngayon nandito na 'ko…"
Hindi makagalaw si Lu Jinnian, hindi niya alam kung anong gagawin niya.
Kahit na mukha siyang kalmado, ang kanyang puso't isipan ay hindi magkaintindihan kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin.
Pinilit ngumiti ni Qiao Anhao para mapigilan ang kanyang mga luha. "Kung ayos lang sayo, gusto ko sanang icelebrate ang birthday mo kasama ka simula ngayon."
Kung ayos lang sayo, gusto ko sanang icelebrate ang birthday mo kasama ka simula ngayon.
Kahit na alam ni Lu Jinnian na ang babaeng mahal niya ay hindi siya mahal at wala naman talagagang ibang ibig sabihin ang mga sinabi nito, hindi niya pa rin naiwasang maantig sa mga sinabi nito. Sobrang saya niya kahit hindi naman talaga dapat nakakaantig ang mga ito.
Pakiramdam ni Lu Jinnian ay parang may humarang sa kanyang lalamunan, at bago pa man makapag'react si Qiao Anhao, bigla niya itong hinila at niyakap.
Masyadong mabilis ang mga naging kilos ni Lu Jinnian kaya wala ng nagawa si Qiao Anhao. Noong nahimasmasan na siya, narealize niya nalang na nasa braso na siya nito, ang kanyang ulo ay nakasandal sa dibdib nito.
Iniangat niya ang kanyang ulo pero mabilis na itinaas ni Lu Jinnian ang isa nitong kamay para hindi siya makagalaw, at ang isa naman ay iniyakap nito sa kanyang bewang. Habang pahigpit ng pahigpit ang yakap nito sa kanya ay bigla itong nagsalita, "Wag ka munang gumalaw."
Habang nagsasalita, kinikiskis ni Lu Jinnian ang kanyang mukha sa malambot na buhok ni Qiao Anhao bago niya unti-unting ilapat ang kanyang mga labi sa ulo nito,nalalanghap niya ang kakaibang pabango nito. Pabulong siyang nagsalita, "Wag ka munang gumalaw, hayaan mo muna akong yakapin ka sadlit, kahit sadlit lang."
Nagumpisa ng magluha ang mga mata ni Lu Jinnian. Yumuko siya at mas lalo pang hinigpitan ang kanyang yakap kay Qiao Anhao na para bang gusto niyang magkadikit na talaga sila ng tuluyan.
Kahit sino pa ang mahal mo, please hayaan mo muna akong yakapin ka ngayon, sa aking birthday. Konting oras lang ang hinihingi ko. Hayaan mo muna akong maramdaman ang init na hindi ko pa naramdaman noon, hayaan mo munang maramdaman ko na hindi ako masyadong malungkot.
Hindi naman talaga ako cold at walang emosyon na gaya ng iniisip mo sakin, pero kailangan ko lang itong gawin para hindi ako magmukhang kaawa-awa.
Hindi na gumalaw si Qiao Anhao, tahimik lang siyang nakatayo habang hinahayaan si Lu Jinnian na yakapin siya. Matapos ang ilang sandali, itinaas niya ang kanyang kamay para yakapin din ito.
Sa labas, ang kalangitan ay madilim, samantalang sa loob naman ay hindi sila naguusap at nanatili lamang sa yakap ng bawat isa.
Buong kaluluwa nilang minamahal ang bawat isa, pero nakalimutan nilang sabihin ang mga salitang, "I love you."
Lumipas ang gabi ng mapayapa at maraming oras ang lumipas bago sila magbitaw.
Ang gabing iyon, hindi gaya ng mga nakaraang gabi, walang nangyari sa kanila.