Pagkatapos ni Qiao Anhao na umorder ng coffee, kinuha niya ang kanyang phone at binuksan ang Taobao para mamili ng mga lobo at iba pang mga gagamitin niya na pang decorate. Sobrang excited niya habang tinitignan ang mga kandila na para bang gusto niya ng bilhin ang lahat ng klase nito habang iniisip niyang mabuti kung ano ang gusto niyang isulat sa sahig ng kwarto nila.
Sa tagal niyang nag-iisip, ang tanging tumatak lang sakanyang isipan ay ang mga salitang: Lu Jinnian, Happy Birthday.
Sinabi sa store na gusto niyang pagbibilhan ang mga salitang naisip niya at ang dimension ng sahig ng kanilang kwarto. Hindi kaagad nakasagot ang store pero matapos nitong maestimate kung ilang kandila ang kakailanganin, agad nitong sinabihan si Qiao Anaho.
Inorder niya kung ano ang sinabi sakanya ng store.
Kailangan ng birthday cake para makapagcelebrate ng birthday…Nabili na ni Qiao Anhao ang lahat ng kakailanganin niya para sa decorations. Ang balak niya talaga ay magoorder nalang sana siya sa Black Swan. Pero pagka'exit niya ng Taobao, may nakita siyang isang advertisement ng mga handmade cakes. Nagdalawang isip siya noong una pero bandang huli ay bumigay na rin at sinubukan. Binuksan niya ang advertisement at noong nasa store na siya, nakakita siya ng iba't-ibang equipment na kakailanganin para makapagbake siya ng birthday cake ni Lu Jinnian.
Pagkatapos magbayad ni Qiao Anhao, hindi niya mapigilan ang kanyang ngiti habang iniisip ang kanyang perfect idea.
Manghang mangha si Qiao Anxia sa kagandahan ni Qiao Anhao kaya maya't-maya ay tumitingin siya rito. Hindi niya alam kung napaglalaruan lang ba siya ng kanyang utak dahil habang tinitignan niya ang kanyang pinsan, mas lalo niya pang nakikita ang 365 degrees round nitong kagandandahan at kakinisan nito. Tunay ngang kulang ang isang tingin sa kagandahan ni Qiao Anhao.
Qiao Anxia saw that Qiao Anhao was always playing with her phone. Every now and then, she would also let out a silly laugh, which prompted Qiao Anxia to not be able not to ask, "What's got you so happy?"
Napansin niya na kanina pa nakatutok si Qiao Anhao sa phone nito at maya't-maya ring tumatawa kaya hindi na siya nakapagpigil at nagtanong, "Bakit sobrang saya mo?"
Pagkarinig ni Qiao Anhao ng boses niya, napatingin ito sakanya habang nakakunot ang mga kilay nito. Kumagat ito sa straw at uminom ng juice bago madayang sumagot, "May binili lang ako sa Taobao."
"Para ka namang sira! Ano ba yan para maging ganyan ka kasaya?" Pangasar at naiintrigang sabi ni Qiao Anxia. Tumungo siya para tumingin sa sarili niyang phone at doon niya nakita ang isang notification na galing kay QQ. Pinindot niya ito at nakita ang malungkot na balita tungkol sa bagong film ni Lu Jinnian na gaganapin sa Hollywood.
Naglabas ang balita ng close-up photo ni Lu Jinnian na kitang-kita ang magaganda nitong mga mata at ang tipikal nitong cold expression.
Matagal siyang nakatitig dito bago muling tumingin kay Qiao Anhao at sinabi, "Pataas na talaga ng pataas si Lu Jinnian. Nagmamay-ari siya ng isang film industry sa mainland China tapos ngayon naman ay papasok na rin siya sa Hollywood."
Nakita na rin ni Qiao Anhao ang balita sa WeChat group nila at matapos niyang makinig sa mga sinabi ni Qiao Anxia, ngumiti siya at sinabi, "Yeah."
Noong nasa university palang sila, nasa Beijing siya samantalang nasa Hangzhou naman si Lu Jinnian. Sobra niya itong na'miss pero hindi niya alam paano niya ito macocontact. Inisip niya ang lahat ng paraan para makapagtext o makapagQQ message siya rito.
Hanggang ngayon, noong nakita niya ang headlines, nahihiya at nagdadalawang isip pa rin siyang magsend ng message kay Lu Jinnian na gaya ng dati. [Ang sabi sa balita, magtatrabaho ka raw sa Hollywood para sa bago mong film. Totoo ba?]
Mabilis na sumagot si Lu Jinnian ng simple at isang salita. [Yeah]
Pero kahit na ganoon, biglang naramdaman ni Qiao Anhao na para bang bumalik sila sa magagandang panahon ng kanilang mga kabataan.