webnovel

She's The Only One You Can't Touch! (1)

Editor: LiberReverieGroup

Noong nagpatuloy na ang tawag, wala ng paligoy-ligoy na nagsalita ni Song Xiangsi, "Mr. Lu, hindi ako si Qiao Anho, ako si Song Xiangsi. Magiisang oras na noong kinuha ni Lin Shiyi si Qiao Anhao!"

May gathering si Lu Jinnian ngayong gabi.

Hindi talaga gusto ni Lu Jinnian na umattend ng mga gathering at dahil sa kanyang personality, hindi rin talaga siya nakikipagsalamuha sa iba. Sa gathering ngayong gabi, hindi siya nagsalita ng kahit ano o kumain manlang.

Sa kalagitnaan nito, nakaramdam si Lu Jinnian ng pagkabored kaya kinuha niya ang kanyang phone at tinignan ang kanyang WeChat. Isang crew member ang nagpost ng masasarap na pagkain at inexplain na nanlibre si Producer Sun ng dinner. Sa photo, nakita ni Lu Jinnian si Qiao Anhao sa pagitan nina Zhao Meng at Song Xiangsi habang nagphophone.

Matagal na nakatingin si Lu Jinnian sa photo na iyon hanggang sa may dumating para makipagtoast ng inumin sakanya. Walang emosyon niyang tinago ang kanyang phone at itinaas ang kanyang wine glass.

Halos 10 pm na noong natapos ang dinner. Pagkaalis ng kanyang assistant para kunin ang sasakyan, pumunta muna si Lu Jinnian sa banyo at doon niya nakasalubongsi Qiao Anxia.

Nasa seven day leave si Qiao Anxia at ngayon ang kanyang last day. Kakatapos niya lang kumain kasama ni Cheng Yang bago siya ihatid pabalik nito sa city.

Halos nasa pinakamataas na floor ng building ang restaurant; natatanaw ang skyline mula rito kaya muna sila umalis pagkatapos nilang kumain para makita ang magandang tanawin habang naguusap ng mga bagay bagay, pagsapit ng 10 pm, doon palang kinuha ni Cheng Yang ang bill.

Nagpalaam muna si Qiao Anxia na pupunta siya sa banyo at doon niya rin nakasalubong si Lu Jinnian.

Halatang nagulat si Lu Jinnian pero hindi siya masyadong nagpakita ng emosyon at tumungo lang kay Qiao Anxia. Hindi na siya nagsalita at tumabi nalamang para padainin si Qiao Anxia. 

Kahit na pakiramdam ni Qiao Anxia na si Qiao Anhao talaga ang babeng mahal ni Lu Jinnian sa loob ng mahabang panahon, hindi pa rin talaga siya sigurado rito kaya ilang segundo lang matapos nilang magkasulong ay sumigaw siya, "Lu Jinnian."

Nagiba ang itsura ni Lu Jinnian at medyo agalangan bago huminto pero nanatili siyang hindi lumilingon.

Lumingon si Qiao Anxia at nang makita niyang nakatalikod sa kanya si Lu Jinnian, agad siyang huminga ng malalim at naglakad papunta rito. Iniangat niya ang kanyang ulo para tignan ang walang ganang mata ni Lu Jinnian at priness niya muna ang labi niya bago sinabi, "Sa tingin ko kilala ko na kung sino ang taong mahal mo."

Medyo nagulat so Lu Jinnian pero nanatili siyang walang emosyon at ang mga labi niya ay nanatili ring tikom habang nakatingin kay Qiao Anxia, hinihintay ang sunod nitong sasabihin.

"Lu Jinnian, sa tingin mo ba maitatago ng walang emosyon mong mukha ang lahat? Yumuko si Qiao Anxia at tumawa, pagkaangat ng kanyang ulo ay muli niyang tinignan ang mga mata ni Lu Jinnian at dahan-dahang sinabi., "Lu Jinnian ang taong gusto mo an gang aking…"

"Ring!"

Natigilan si Qiao Anxia dahil biglang tumunog ang phone ni Lu Jinnian. Biglang nabago ang itsura ni Lu Jinnian at kinapa ang kanyang phone para kunin. Napahinto siya nang makita niya kung sino ang tumatawag sakanya na parang hindi siya makapaniwala na nangyayari yun. Swinipe ni Lu Jinnian ang screen pero bago pa man din siya makapagsalita ay bigla niyang narinig ang boses ni Song Xiangsi, "Mr. Lu, hindi ako si Qiao Anho, ako si Song Xiangsi. Magiisang oras na noong kinuha ni Lin Shiyi si Qiao Anhao!"

Próximo capítulo