Mahirap sabihin kung lahat ba talaga ng babae ay malakas makaramdam pero ang kutob ni Qiao Anxia ay may ibang ibig sabihin ang panlilibre ni Lu Jinnian para sa buong crew.
Hindi pinahalata ni Qiao Anxia ang pagdududa niya habang pareho niyang tinititignan si Qiao Anhao at Lu Jian na nasa tapat niya lang. Napansin niya na nakayuko lang si Qiao Anhao at abalang kumakain ng crayfish. Parehong pareho ang itsura nito sa tuwing siya nito para sa Ghost street para kumain ng crayfish noon. Laging mukhang takam na takam.
Wala namang kakaiba kay Lu Jinnian na nasa tabi ni Qiao Anhao. Tahimik lang itong nakaupo habang binabalatan ang kanyang mga crayfish suot ang nakagloves. Pero hindi kinakain ni Lu Jinnian ang mga binalatan niya at sa halip inilalagay niya ito sa crayfish soup matapos mabalatan.
Hindi mapigilan ni Qiao Anxia na pagmasdan sina Qiao Anhao at Lu Jinnian pero mukhang wala namang namamagitan sa dalawa. Pero sa kaloob looban niya, hindi niya maiwasang magduda o baka naman sobra lang siyang mag-isip ng mga bagay bagay?
Mahilig talaga si Qiao Anhao kumain ng crayfish at dahil sobrang paborito niya ito, ubos na ang kanya hindi pa man din nakakakalahati ang iba.
Hindi pa nakuntento si Qiao Anhao kaya sinimot niya ang mga natirang crayfish sa kanyang labi na para bang nagpapahiwatig na gusto pang kumain. Habang nakaupo, isa-isa niyang tinitignan ang mga taong masayang kumakain at sa sobrang takam ay hindi niya napigilan ang sarili niyang lumunok ng dalawang beses.
Pagkatapos mabalatan ni Lu Jinnian ang lahat ng crayfish na nasa kanyang karton, tiningnan niya si Qiao Anhao na sobrang namumula ang labi sa sobrang anghang ng kinain nito na parang konti nalang at magdudugo na ito samantalang ang maputi nitong balat ay lalo pang namutla. Kahit na naguusap na ang lahat, hindi pa rin sumasali si Qiao Anhao pero ang kanyang malalaki at itim na itim na mga mata ay lalo pang nanlalaki habang pinagmamasdan ang mga taong may hawak ng crayfish at ang mga sauce nito na naiwan sa karton. Ang mga matang iyon ay kagaya ng sa maliit na batang na gustong gustong kumain ng matamis, cute at maamo.
Sobrang napukaw ang damdamin ni Lu Jinnian sa kanyang nakita ngunit yumuko siya para maitago ang nararamdaman niya at nagtanong kay Qiao Anxia, "Anong hinahanap mo?"
Tinanggal ni Qiao Anhao ang kanyang tingin sa mga taong may hawak ng kanilang mga crayfish nang marinig niya ang boses ni Lu Jinnian at umiling.
Pero bago pa man tuluyang makapagsalita si Qiao Anhao, si Zhao Meng na nasa tabi niya ay biglang nagpaliwang na parang nangaasar, "Paborito kasi ni Qiao Qiao ang crayfish, siguro kulang pa sakanya ang kinain niya, kaya tumitingin siya ibang kumakain."
Huli, Biglang namula ang mukha ni Qiao Anhao, at agad na umiling kay Lu Jinnian. Pagdidiin niya, "Hindi-hindi-hindi!"
"Mr. Lu, tignan mo! Walang kumpyansa si Qiao Qiao sa sinasabi niya!" patuloy na pangaasar ni Zhao Meng.
Pakiramdam ni Qiao Anhao ay nilaglag siya ng kanyang best friend kaya lalo pa siyang namula!
Tinignan ni Lu Jinnian ang namumulang si Qiao Anhao na sa sobrang pula parang may papatak ng dugo mula rito. Ilang minuto ring hindi nagsalita si Lu Jinnian. Yumuko siya para itago ang kanyang mga ngiti at pagkatapos ay itinuro niya ang crayfish na nasa harapan niya at sinabi, "Kung gusto mo pa, kainin mo nalang din ito."
Nagulat si Qiao Anhao at umiling siya na parang isang rattle at sinabi, "Busog na ako."
"Ayokong kumain ng ganyan. Kung hindi mo yan kakainin, itatapon nalang din yan. Wala kasi akong magawa kaya binalatan ko nalang ang mga yan."
Walang kabuhay-buhay na paliwanag ni Lu Jinnian habang ipinapalit ang kanyang karton sa karton ni Qiao Anhao.