Naghiyawan ang lahat nang marinig na nanlibre si Lu Jinnian.
Isa-isang iniabaot ng assistant ni Lu Jinnian ang mga karton para makapag-umpisa na silang kumain. Natural, naging excited ang mga tao dahil dito at ang iba pa nga ay kumuha ng picture at pinost sa kanilang Moments sa WeChat. Nang malaman ito ng ibang artista na hindi kasama sa set, nainggit sila at pumunta para makisali.
Nagmadaling kumuha ang staff member ng mahabang kahoy noong narinig nila na may kainan. Mahaba at malawak na lamesa ang inihanda nila para magkasya ang lahat.
May kailangang ishoot si Qiao Anhao na eksena ngayong gabi. Pagkatapos niyang magtanggal ng kanyang makeup, halos puno na ang mahabang lamesa. Itinaas ni Song Xiangsi ang kanyang kamay
habang naghahanap ng mauupuan si Qiao Anhao. Nagulat ito na bakenta ang pagitan ni Song Xiangsi at Lu Jinnian kaya hinila niya si Zhao Meng para sabay silang makaupo.
Naunang umupo si Zhao Meng sa tabi ni Song Xiang kaya naging magkatabi sina Qiao Anhao at Lu Jinnian. Buti nalang, magkasundo na sila nitong mga nakaraang araw kaya hindi na kinakabahan at naiilang si Qiao Anhano na gaya noon. Ibinigay ng assistant ni Lu Jinnian kay Qiao Anhao ang karton ng crayfish. Tumingin siya kay Lu Jinnian at nakangiting sinabi, "Salamat Mr. Lu."
Hindi nagsalita at nagpakita ng anumang emosyon si Lu Jinnian pero kumuha siya ng pares ng disposable gloves at ibinigay it okay Qiao Anhao.
Noong hapong iyon, sinama ni Cheng Yang si Qiao Anxia sa city para kumuha ng ilang damit. Pero hinila siya nito at hinalikan na halos mawalan na sila ng kontrol.
Gabi na nang makabangon sila sa kama mula sa kanilang paglalambingan. Tumawag si Cheng Yang para mag take out ng pagkain para sabay silang makakain ni Qiao Anxia habang patuloy na silang naglalambingan at saka sila bumalik sa set.
Pagkaparada ni Cheng Yang ng sasakyan niya sa ilalim, kinuha niya ang kanyang phone para patayin sana ang navigation nang bigla niyang nakita ang napakaraming notification galing sa kanilang WeChat group. Pagkabukas niya nito, nakita niya na kumakain ang lahat at agad na sinabi kay Qiao Anxia, "Mayroon palang nanlibre ng dinner, gusto mong pumunta?"
Tumingin si Qiao Anxia kay Cheng Yang. Maaga pa naman at siguradong mababagot siya kapag bumalik siya kaagad sa hotel kaya tumungo siya at sinabing, "Sige."
Ang direktor ang unang nakakita kay Cheng Yang at Qiao Anxia na papalapit kaya sumigaw ito habang may hawak na crayfish, "Cheng Yang, halikayo rito!"
Umusog ang lahat para mabigyan ng pwesto sina Cheng Yang at Qiao Anxia.
Nagmamadaling pumunta ang assistant ni Lu Jinnian kina Cheng Yang at Qiao Anxia para iabot sakanilanang dalawang karton ng crayfish na galing sa likod ng sasakyan nito.
Habang patuloy na umiihip ang direktor dahil sa anghang ng pagkain ay sinabi niya, "Sakto ang dating niyo! Kung medyo nahuli kayo ng dating siguradong wala na kayong maabutang crayfish ni Mr. Lu!"
"So si Mr. Lu pala ang nanlibre ng pagkain para sa lahat. Kaya pala nandito ang buong crew."
Pagkatapos itong sabihin ni Cheng Yang, bilang isang gentleman ay tinulungan niya si Qiao Anxia na buksan ang karton nito at mahinang nagtanong, "Gusto mo bang tulungan kitang magbalat?"
Ngumiti si Qiao Anxia kay Cheng Yang na kumuha ng gloves at naglabas ng crayfish mula sa karton ni Qiao Anxia na agad din nitong binalatan.
Noong hapong iyon, sinabi ni Qiao Anxia kay Cheng Yang na paborito ni Qiao Qiao ang crayfish. Sa pagkakatandan niya, wala naman doon si Lu Jinnian pero ngayong gabi bigla nalang nitong nanlibre ang buong crew ng crayfish.