webnovel

Bakit hindi na lang ako? (1)

Editor: LiberReverieGroup

Naalala niya nang gusto niya rin magtrabaho sa parehas na high school. Tiniis niya ang init ng araw sa trabaho.

Nang 2nd year na sila ng high school, birthday ni Qiao Anhao, nakiusap si Xu Jiamu na bumili ng cake. Ang mahal ng cake dahil limang numero ang presyo nito pero binayaran niya pa rin gamit ang ipon niya.

Naalala niya kung paano na bullied sa entertainment industry, hirap na hirap siya ng mga panahon na iyon.

Nang panahon na iyon, kalaban niya ang buong mundo at si Qiao Anhao lang ang nasa isip niya. Dahil sa pagmamahal niya kaya sulit ang lahat.

"Sayang nawala ka sa akin. Patawad, sinubukan ko.

"Hindi ako sumuko, umiwas ako dahil ayoko ng masaktan."

Pero ano man ang gawin niya hindi niya ito magawang sukuan.

Alam niya binisita siya nito sa Hangzhou ng tatlong beses pero tumanggi siyang makita ito.

Nang panahon na iyon, hindi sa wala na siyang pagmamahal pero kung hindi niya ito makikita, dahan-dahan malilimutan niya ito, hindi na rin siya masasaktan.

"Sayang hindi na tayo pwede, at lumalala ang ito sa pag-iyak.

"Patuloy akong tumanggi sa iba para lang sayo."

Pero bandang huli, minaliit niya ang karisma nito, at sumobra ang paghahangad niya.

Simula bata lagi siyang sinasaktan ng iba. Lumaki siya na mailap, suplado at walang pakialam sa iba, pero defense mechanism niya lang ito at siya ang patunay na hindi niya nagawang protektahan ang sarili niya.

Maganda ang pagkanta ni Lu Jinnian nagdala ito ng lungkot sa lahat ng nasa loob ng kuwarto.

Ang mga ilaw sa paligid niya ay nagbigay sa kanya ng ekspresyon na tulala at kumikinang ang tingin.

"Patuloy akong tumanggi sa iba para lang sayo."

Tahimik ang lahat ng matapos ang kanta. Tila walang tao sa loob.

Patuloy lang tinignan ni Lu Jinnian ang mata ni Qiao Anhao.

Kita ni Qiao Anhao sa mata ni Lu Jinnian ang pag-aasawa, lungkot, paghihirap. Napuno ng lungkot ang kanyang puso. 

Matapos ang isangg minuto, inalis nito ang tingin kay Qiao Anhao, iniwan ang microphone at umalis ng walang pasabi.

Próximo capítulo