Nang marinig ni Qiao Anhao ang boses ni Lu Jinnian, nangunot ang kanyang noo. Napagtanto niya na kaya wala siyang naramdaman na sakit at dahil may taong sumalo sa kanya mula sa pagkakahulog sa swing.
Si Lu Jinnian... ang sumagip sa akin?
Kinabahan ang puso ni Qiao Anhao.
Pikit pa rin ang mata ni Qiao Anhao, hindi gumalaw si Lu Jinnian. Nang tinapik niya ang mukha nito saka niya nalaman na may dugong tumulo mula sa ulo ni Qiao Anhao.
Pakiramdam ni Lu Jinnian sumikip ang kanyang puso at nanginig ang mga daliri niya. Nabahala at nataranta siya pero wala siyang salitang masabi.
Ang tula lang direktor ay na gising at agad na pumunta kay Lu Jinnian at Qiao Anhao. Nagising rin ang lahat sa ginawa ng direktor. Agad na lumapit ang lahat sa pinangyarihan ng aksidente.
Nang malapit na sa tabi nila Qiao Anhao ang direktor. Agad niyang tinignan si Qiao Anhao na pikit pa rin ang mata. Bahagyang na guluhan ito at direktang sinabi kay Lu Jinnian, "Lu..."
Biglang tinaas ni Lu Jinnian ang ulo niya at kita ang sama ng tingin at matinding galit sa mata niya. Galit niyang sinabi sa direktor, "Lu Anong Lu! Kayong lahat anong ginagawa ninyo? Bilisan ninyo at kumuha kayo ng sasakyan papunta sa ospital!"
Napaurong ang direktor sa galit ni Lu Jinnian at agad na tumango. "Sige..."
"Bilis!"
Ang tahimik na si Lu Jinnian agad nawalan ng pasyensya. Bago pa sumagot ang direktor sumagot ulit ito. Nakakatakot ang ekspresyon niya. Kung mabagal ang direktor ng isang segundo, maaring pumatay na siya ng tao.
Sa takot ng direktor hindi na muli ito sumagot. Nalimutan niyang utusan ang mga tao at siya mismo ang kumuha ng sasakyan.
Nang makita ng mga tao ang itsura ni Lu Jinnian, lahat ng taong malapit sa kanila ay natakot sa kanya.
Nagising si Qiao Anhao at gulat siyang 2 beses na sumigaw si Lu Jinnian ng galit.
Hindi naman siya nasaktan kaya, bakit siya dadalhin sa ospital?
Unti-unti minulat ni Qiao Anhao ang mata niya. Magsasalita sana siya pero na gulat siya sa nakita niya.
Ang Lu Jinnian na nasa harap niya ay hindi niya pa nakita ganito - maputla, nag-aalala at nababahala, tila takot na may mawala sa kanya.
Pakiramdam ni Qiao Anhao na wasak ang kanyang puso. Makita ng ganito si Lu Jinnian.