"Ayyy, Ang mga kabataan malalagpasan din kami balang araw. Pakiramdam ko hindi na ligtas ang posisyon ko bilang the best screen actress. Tingin ko wala ng ibang paraan..." sabi ni Song Xiangsi at umiling ang kanyang ulo. Kitang naawa ito at sinabi, "Kung sino man ang masamang tao kumuha ng photo at nag-post sa 'Weibo,' at ginamit lahat ng lakas ng mga fans para bumulusok ang hot topics charts ito ay nagpakiharap para hilahin pa baba ang iba. Ayyy. Kakaawa naman..."
Bago matapos ni Song Xiangsi ang sasabihin niya, masama na ang tingin sa kanya ni Lu Jinnian. Tapos walang pagdadalawang-isip na binago niya ang pananalita at sinabi, " Hindi ko gusto sa lahat. Kung aarte, arte lang. Masaya bang gumawa ng walang kuwenta na drama dahil bagot ka? Ang lala nila, dapat pinapahirapan sila..."
Bago niya matapos ang sasabihin, siningitan siya ni Lu Jinnian, "Ang mga sinabi ko sayo, huwag mong sasabihin sa iba o baka..."
Hindi natapos ni Lu Jinnian ang pananakot niya at ginaya siya si Song Xiangsi. "Anong sinabi mo? Gusto ko ulit mo ulit..."
Wala ng sinabi si Lu Jinnian. Sa loob ni Lu Jinnian lagi niyang pinagkakatiwalaan si Song Xiangsi, o baka hindi na siya humingi ng tulong sa iba.
"Alis na ako", ang dabi ni Lu Jinina pero ng paalis na siya ng sasakyan, biglang tumunog ang telepono ni Song Xiangsi. Tapos sinabi niya, "Tumatawag si Qiao Anhao!"
Nangunot ang noo ni Lu Jinnian at na upong muli.
-
Malakas ang fan ni Song Xiangsi gaya ng kay Lu Jinnian. Naging hot topic agad ang post niya sa 'Weibo'.
Tinawag agad ni Zhao Meng si Qiao Anhao ng makita ang post ni Song Xiangsi.
Maganda ang relasyon ni Song Xiangsi sa entertainment industry. Agad sumali ang direktor ng 'Alluring Times' para linawin ang lahat na inaayos nila ang storya at nag-usap tungkol sa script kahapon. Marami rin cast members ang sumali at ginamit ang sitwasyon nag-share at comment sa post ng direktor. Sa bandang huli, kahit si Lin Shiyi ginamit ang 'Weibo' para linawin ang lahat.
Agad naman na palitan ng hate message kay Qiao Anhao tungkol kina Lu Jinnian at Song Xiangsi. Ang ganda ng takbo na nagsimula ng kamuhian ng mga tao ang nagpakalat ng tsismis.
Na solusyonan ang problema. Nagtaka sila Qiao Anhao at Zhao Meng. Hindi nila maintindihan kung bakit sumali si Song Xiangsi hindi naman sila malapit sa isa't isa.
Pero ano man ang rason. Tumigil na ang sitwasyon dahil kay Song Xiangsi. Bilang paggalang, tinawagan ito ni Qiao Anhao.
Mabilis na sinagot ang telepono. Narinig agad ni Qiao Anhao ang boses ni Song Xiangsi.
"Miss Qiao? Anong meron?"