Dumiretso ang tingin ni Lu Jinnian sa coffee table. Doon nga may pagkain nakalagay. Kumunot ang noo niya.
Tinignan niya ang pagkain at hindi gumalaw. Naisip ni Qiao Anhao na hindi nito gusto ang pagkain kaya hirap siyang nagsabi, "Ang sabi kasi ng assistant mo hindi ka pa kumakain buong hapon, kaya pagod ka na. Kung hindi ka kakain paano ka tatagal bukas?"
Tahimik lang si Lu Jinnian at tinignan si Qiao Anhao.
Mahigpit ang hawak niya sa documents. Mahinang niyang dagdag, "Saka kahit wala kang gana kumain, dapat kumain ka pa rin kahit kaunti. Mas mabuti yun kesa sa wala..."
Halos talo na si Qiao Anhao sa puntong ito.
Kung tatagal in ang titulong "married couple", sila ay kapwa stranghero sa isa't isa. Nang una nilang gabi, siya ang nagsabi na hindi niya guguluhin ang buhay nito at sinabi nito sa kanya "tandaan mo sinabi mo." Gayumpaman, matapos nilang ikasal, hindi siya nagtanong sa lifestyle nito, hindi rin siya nagsabi kahit ang salita care o goodnight... Pero ngayon, pinipilit niya na kainin ang pagkain niya kaya masasabi na sumira siya sa usapan niya...
Lalong na bahala si Qiao Anhao pero sa huli, pinilit niya ito ng kaunti, "Hindi magiging maganda sa tiyan mo kung hindi ka kakain."
Nanatiling tahimik si Lu Jinnian at tinignan siya.
Nang tila susuko na siya, naglakad siya at umupo sa sofa. Tinuro niya ang pagkain at nagtanong, "Anong pagkain?"
Nagulat si Qiao Anhao kay Lu Jinnian. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
Namangha si Lu Jinnian sa mabagal na reaksyon ni Qiao Anhao at hindi pa rin ito ma-process ang sinabi niya.
Bahagya siyang ngumiti at kalmado nagtanong, "Akala ko ba nagdala ka ng pagkain?"
Naintindihan na rin ito ni Qiao Anhao ang tinutukoy nito ay ang hapunan. Nilagay niya ang documents sa desk nito. Naglakad papunta sa pagkain, binuksan niya ito at sinabi ang pagkain, "1 box ng Yangzhou fried rice, 1 bowl ng winter melon soup, set ng chicken wing at 1 Stir ng fried Kailan..."
Tahimik lang si Lu Jinnian at patuloy na tinignan si Qiao Anhao.