Wala akong pangangailangan ngayong gabi... Ibig ba niyang sabihin babalik siya kung may pangangailangan siya?
Hindi alam ni Qiao Anhao anong na gawa niyang mali para sabihin ito. Bago nito matapos ang sasabihin. Tumulo ang luha niya.
Tumulo sa mga daliri niya ang luha. Pilit niyang tinago ang luha pero lalo siyang lumuha. Sa bandang huli, hindi ito tumigil. Agad niya itong pinunasan.
Gusto ng umalis ni Lu Jinnian matapos ng sinabi niya, pa talikod na siya ng makita niya ang tumulong luha sa daliri ni Qiao Anhao. Tumigil siya at hindi magawang gumalaw.
Kita niya ang walang tigil na pagluha ni Qiao Anhao. Agad niyang hinila ito at gamit ang isang pang kamay hinawakan ang baba nito nang makita pinunasan ito ni Qiao Anhao.
Kita niya ang luha sa magandang mga mata ni Qiao Anhao. Pilit pinipigilan ang luha at mapula ang ilong. Naka awa itong tignan.
Puno ng emosyon ang mata ni Lu Jinnian. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Qiao Anhao at tila nakikipagtalo sa kanyang isip. Ilang beses niyang gustong punasan ang luha pero hindi niya magawa.
Lalong lumuha si Qiao Anhao dahil alam niya na titig sa kanya si Lu Jinnian pero puno ng luha ang mata niya at hindi makita ang ekspresyon nito. Ramdam niya panginginig nito pero siya galit.
Tumulo ang luha niya sa mga daliri ni Lu Jinnian.
Malamig ang luha ni Qiao Anhao pero nagdadala ito ng nagbabagang kaba sa puso ni Lu Jinnian. Marahas niyang binitiwan si Qiao Anhao. Sumakay ng sasakyan at umalis.