webnovel

Sino ba ako para sayo? (9)

Editor: LiberReverieGroup

Agad nabalot ng masamang tingin si Lu Jinnian. Lalo pa't nag-usap sila ni producer Sun tungkol sa bagong drama. Hindi napigilan ni Lu Jinnian ang galit agad niyang sinugaban si Qiao Anhao at diniin sa lamesa. Sinakal niya ito, masama ang tingin, marahas niyang sinabi, "Qiao Anhao, sino ba ako para sayo?"

Ganito lagi ang ugali ni Lu Jinnian. Diniin niya sa lamesa si Qiao Anhao. Nagngitngit sa galit si Lu Jinnian at nagtanong ulit, "Tinatanong kita, sino ba ako para sayo?"

Sumigaw si Lu Jinnian habang sakal ito at sinabi habang na nginginig ang boses, "Ginamit mo lang ba ko para pumasok sa entertainment industry? O stepping-stone para tumaas ka? Dahil merong nag-iimbita sayo para sa shoot, pumunta ka at sa isang tabi na ko?"

Bumilis ang pag-hinga ni Lu Jinnian at nanginig ang katawan niya. "O baka naman pagod ka na dahil sa nangyari sa pagitan natin. Kaya gusto mo na sa ibang kama?"

Takot na takot si Qiao Anhao na ang buong katawan niya nanigas at hindi siya naka-tingin kay Lu Jinnian.

Pagkatapos, ang hawak ni Lu Jinnian na leeg ay sungab na ang braso ni Qiao Anhao at brutal na tinapon siya sa kama. Diin siya nito sa kama.

"Qiao Anhao, kailan pa naging ikaw ang boss sa ating dalawa? at kaya mo ng gumawa ng mga desisyon?

Tumigin siya sa mata nito. Kita sa mata niya ang desperasyon at pag-aatubili. Naging bahagyang paos ang boses niya.

"Qiao Anhao, dahil lang sa dalawang drama natanggap mo ay may pakpak ka na. Para sabihin ko sayo kung madali kang naka pasok, madali ka lang din mawawala at kahit hindi mo gusto ang role gagawin mo ito!"

Marahas niyang hinalikan si Qiao Anhao.

Próximo capítulo