webnovel

Naalala Ko Noong Una Tayong Magkakilala (2)

Editor: LiberReverieGroup

Pinikit ni Qiao Anhao ang kanyang mga mata dahil hindi niya maintindahan ang gustong gawin ni Lu Jinnian.

Tinignan ni Lu Jinnian ang mga mata ni Qiao Anhao habang pinilit ang sarili niya kay Qiao Anhao at hindi gumawa ng anumang galaw.

Parehas ng basa si Lu Jinnian at Qiao Anhao mula ulo hanggang paa. Ang damit ni Lu Jinnian ay basang-basa.

Tahimik sa buong banyo at tanging daloy lang ng tubig sa tub ang naririnig.

Ang kalooban ni Qiao Anhao ay hindi mapalagay dahil sa katahimikan. Gayumpaman, hindi niya binuksan ang mga mata niya. Bandang huli, hindi maiwasan manginginig si Qiao Anhao, maaring dahil sa lamig o sa nerves niya.

Nakita ito ni Lu Jinnian, nangunot ang mga kilay niya at bigla niyang kinagat ang balikat ni Qiao Anhao kung saan hinawakan ni producer Sun.

Nasasaktan si Qiao Anhao sa madiin na kagat ni Lu Jinnian. Ramdam niya ito sa buo niyang katawan. Hindi niya namalayan na tinutulak niya si Lu Jinnian, dahilan para lalong dumiin ang kagat ni Lu Jinnian.

Nagsimulang manginginig si Qiao Anhao at dumaloy ang laway ni Lu Jinnian sa balikat niya. Ngunit hindi tumigil si Lu Jinnian. Hindi mapigilan ni Qiao Anhao na maiyak sa sakit. Dumaloy agad ang luha nito sa leeg ni Lu Jinnian.

Tuloy-tuloy itong dumaloy mula sa leeg ni Lu Jinnian papunta sa dibdib. Tumigil si Lu Jinnian sa pagkagat. Ngunit, naka sunggab ang kanyang bibig sa balikat ni Qiao Anhao.

Tumulo ulit ang luha ni Qiao Anhao. Ramdam ito ni Lu Jinnian kaya agresibo niyang hinalikan si Qiao Anhao hanggang sa malasahan niya ang dugo.

Dalawang beses ng may nangyari sa pagitan ni Qiao Anhao at Lu Jinnian, pero gaano man ito kagalit noon. Naging maingat ito sa kanya kahit hindi nito gusto.

Ngunit iba na siya, marahas siya, mapang-angkin at mapag-parusa. Pakiramdam ni Qiao Anhao hindi ito ang sarili niya.

Próximo capítulo