webnovel

Dalawang Pagkakakilanlan!

Editor: LiberReverieGroup

Hindi na nagsalita pang masyado si Mo Zichen, niyakap lamang niya si Tangning, "Mom, namiss kita."

"Kung talagang namimiss mo ako, kung ganon dapat ay nagpupunta ka dito at bisitahin ako palagi," pagtuturo ni Tangning. "Bihira kitang makita sa loob ng isang taon, paano mangyayaring hindi ako mag alala tungkol sa iyo?"

"Simula ngayon, dapat ay nagrereport ka sa iyong ina isang beses kada isang buwan," pag uutos ni Mo Ting pagkaraang marinig na ang kanyang asawa ay nag aalala.

"Oo, Dad."

"Brother Two, masyado kang boring, bakit ba masyado kang nahuhumaling na maging isang physics teacher?" Namana ni Mo Ziyan ang dekalidad na genes ng kanyang mga magulang, kaya hindi lamang siya maganda, siya rin ay mayroong mahabang mga pares ng binti.

"Sa palagay ko ang isang simpleng buhay na katulad nito ay lubhang maganda." Sagot ni Mo Zichen. "Isinasaalang alang ko rin ang posibilidad ng pagkakaroon ng girlfriend."

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com

Próximo capítulo