webnovel

Base Sa Kung Ano Na Ako Ngayon?

Editor: LiberReverieGroup

"Luo Sheng, natatandaan mo pa ba ako? Luo Sheng…"

Tumingin si Luo Sheng kay Long Jie at nagsabi sa isang namamalat na boses, "Long Jie!"

"Salamat sa Diyos!" nang makitang si Luo Sheng ay mentally stable, kaagad na pinagsalikop ni Long Jie ang kanyang kamay. "Alam mo ba kung gaano mo kami tinakot?"

Si Long Jie ay nakahiga sa kama ng natitigilan, lubos na nagtataka kung paano siya napinsala at kung ano ang nangyari. Sinubukan niya ang kanyang magagawa upang maalala ang nangyari noong nagdaang gabi, ngunit bukod mula sa nakaka bulag na liwanag, wala na siyang maalalang kahit na anong bagay.

"Nasaktan ba ako?"

"Oo, ikaw ay napinsala ng seryoso," tango ni Long Jie. "Ngunit, hindi mo na kailangang mag alala. Ang iyong mga doctor ay lubhang may kakayahan sa medesina at tiyak na pagagalingin ka niya."

Itinaas ni Luo Sheng ang kanyang kamay upang hawakan ang kanyang ulo at natuklasan na ito ay nakabalot ng makapal na benda.

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com

Próximo capítulo