webnovel

Hindi Istilo Ni Tangning

Editor: LiberReverieGroup

"Sa dami ng atensyong kasalukuyang nakukuha ni Xing Lan, maaari na siyang papirmahin ng Hai Rui kung ang pagbabasehan lamang ay preference," sabi ni Fang Yu kay Mo Ting ng pribado. "Sa paraang iyon, titigil na ang mga nakatataas sa pagpapamadali kay Tangning."

"Hindi pa tamang panahon," tugon ni Mo Ting. Bagaman mayroong napakaraming atensyon ang kasalukuyang nakatuon kay Xing Lan, mayroon pa din siyang potensyal na umunlad pa. Saka, si Xing Lan ay isang magandang panimula para sa Superstar Media. Dahil sa hindi pa kilala ng publiko ang Superstar Media, hindi tama na ilipat kaagad si Xing Lan sa Hai Rui.

Nang marinig ang tugon ni Mo Ting, tumawa si Fang Yu, "Si Tangning ay medyo ambisyosa. Pero, napakaraming taong may talento sa industriya ang napabayaan. Posible kayang mailigtas niya ang lahat ng mga ito? Bakit ba siya masyadong determinado na gawing makatarungan para sa lahat ang entertainment industry na kung saan ang lahat ay palaging nakadepende sa swerte?"

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com

Próximo capítulo