webnovel

Kung Mayroon Kang Ebidensya, Kung Gayon Ipakita Mo Ito?

Editor: LiberReverieGroup

Ang eskandalo sa pagkakataong ito ay isang malaking socialite scandal na kung saan kasangkot ang totoo at hindi totoong katauhan. Kaya, hindi lamang ito lumabas sa entertainmet news, ito rin ay lumabas sa mga lokal na pahayagan upang ang lahat ay mapag usapan ito.

"Paanong nangyari na ang katauhan ay madaling napalsipika? Ang 'isang walang pangalang' ay naglalaro ng apoy?"

"Ang babaeng ito ay lubhang misteryoso. Naaalala nyo pa ba, noong sinabi ni Hua Wenfeng na sinugatan siya ni Tangning, isang 'matandang kakilala' ang lumitaw sa online at sinabi na kukunin niya ang lahat ng pag aari niya?"

"Iniisip ko na talaga na si Hua Wenfeng ang siyang may itinatago, ang isang normal na reaksyon ng tao ay ang pagtawanan lamang ito, walang sinuman ang gagawa ng malaking gulo at subukan na linawin ang kanilang sarili. Ano naman ang kailangang linawin? Hindi ba siya ang mukhang kahina hinala sa kanyang kapuna punang sagot?"

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com

Próximo capítulo