Sa set ng 'Mega Beast'. Sa kalagitnaan ng kagubatan ng bundok.
Si Chen Xingyan ay nagtatago sa isang tahimik na bahagi mula umaga hanggang gabi, sinasanay ang kanyang pag arte upang masanay sa mga kamera.
Sa kaibuturan ng kanyang puso, nadarama niyang mas nababagay siyang maging isang stunt double sa buong buhay niya. Ngunit, upang bigyan ang kanyang sarili ng kakayahan na pangalagaan ang iba, nakatagpo siya ng bagong motibasyon upang harapin ang mga kamera.
Kaya, tuwing umaga, siya ang nauunang dumarating sa set. At tuwing gabi, siya ang pinakahuling natutulog. Ang kahanga hanga, dahil sa kanyang baguhang kakayahan sa panggagamot, si Chen Xingyan ay mabilis na nakagawa ng pangalan para sa kayang sarili sa set. Maging ito man ay ang director o isa sa mga miyembro ng staff, kapag may isang tao na mayroong kirot o pananakit, sila ay kaagad na nagpupunta sa kanya upang maginhawaan.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com