webnovel

Hinamon Ang Isang Tao Na Hindi Dapat Hamunin

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Tangning, ang buong katawan ni Tang Xuan ay nanginig sa galit habang sinisigawan si Tangning ng hindi nagpipigil, "Tangning!"

Napansin ni Tangning ang pagpapalit ng kulay ng mga mata ni Tang Xuan sa sobrang galit. Sa pamamagitan ng mahinahon at hindi nababahalang boses, sumagot si Tangning, "Hindi mo ba naiisip, kung ikokonsidera ang lahat ng oras na nilinis ng pamilyang Tang ang iyong aroganteng pagkilos, ang simpleng paghingi ng paumanhin at pagyuko ay isang maawain nang hiling mula sa iyo?"

"Kung hindi dahil sa tayo ay magkadugo at ang katotohanang ikaw ay bahagi ng pamilyang Tang, ipinagtatanggol mo na dapat ang iyong sarili sa korte. Iniisip mo ba na magkakaroon ka pa din ng pagkakataon na tumayo rito ngayon, umarteng arogante sa ating mga panauhin?"

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com

Próximo capítulo