Tungkol sa usaping na si Luo Xing ay ang 'ikatlong tao', ang dalawang lalaking sangkot ay nagpahayag na ng kanilang opinyon. Sa kasalukuyan, ang nawawala na lamang ay nag opinyon ni Xia Jingyi, at ang kanyang opinyon ay lumalabas na mayroong kapangyarihan upang malaman ang buhay at kamatayan ng karera ni Luo Xing.
Si Xia Jingyi ay hindi hangal. Hindi niya maaaring saktan ang damdamin ni Ruan Xiwen, ni maaari siyang gumanti laban sa Hai Rui. Kaya, ang tangi niyang pagpipilian ay ang makipagksundo sa pagitan ng dalawang panig.
Syempre, iniisip niya na ito na marahil ang pinkamabuting solusyon para sa lahat ng kasangkot…
...
"Mamayang alas – 3 ng hapon, si Xia Jingyi ay magsasagawa ng press conference. Kapag dumating ang oras na iyon, lilinawin niya ng lahat para sa iyo," wika ni Song Yanshu habang nakatayo ito sa likuran ni Tang Jingxuan sa waiting room. "Kasama ang pagdidiin mula kay President Mo, hindi siya maglalakas ng loob na umarte ng walang ingat."
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com