"Magsalita ka. Anong problema?" hindi gumawa ng kahit anong ingay si Lu Che, ngunit hindi ibig sabihin niyon ay hindi siya napansin ni Mo Ting.
Si Lu Che ay bahagyang nagulat, ngunit magalang pa rin itong lumapit kay Mo Ting at nagpaliwanag, "Natuklasan ko na ang buong katotohanan…"
"Ano ang tungkol dito?"
Pagkatapos ng kaunting oras, nakaya ni Lu Che na isalaysay muli kay Mo Ting ang buong kwento. Higit sa lahat, idinagdag din niya ang ilang sa kanyang sariling pagkukuro, "Gumawa rin ako ang masusing imbestigasyon at nalaman ko na si Tang Xuan ay pumupunta rin sa parehong ospital upang magpa - checkup. Ipinagpapalagay ko na nakita niya ako sa ospital at nalaman na nais ni Madam na kumuha ng medical exam, kaya nagbayad siya ng doktor upang gawin ang kanyang masamang plano."
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com