Noong gabi ng insidente, sa wakas ay naglabas na ng pahayag ang Hai Rui na si Tangning ay nagtamo lamang ng maliit na sugat at si Bei Chendong ay nagkaroon ng bahagyang bali.
Ang dahilan ng aksidente ay kasalukuyang iniimbestigahan pa rin, kaya sila ay hindi pa rin maaaring makapagbibigay ng komento ukol dito. Ngunit, umaasa sila na ang lahat ay mananatiling naghihintay sa magiging resulta ng imbestigayon.
Gayunman, ang tsismis tungkol kay Tangning ukol sa pagiging malas nito ay hindi pa rin humihinto dahil dito. Sa katunayan, ang tsismis ay nagsimulang mas maging mapamahiin. Nagsisimula na ang mga tao na maniwalang sangkot si Tangning sa pangkukulam.
Palaging may mga tsismis na katulad nito sa loob ng entertainment industry. Pinaniniwalaan na maraming artista na kumukuha ng salamangkero upang mang imbita ng ilang multo sa kanilang tahanan. Pakakainin ito at magsusunog ng alay sa mga multo kapalit ang kasikatan at kapangyarihan.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com