Kung aamin si An Zihao na gumawa siya ng pekeng recording, ang kawalang – sala ni Tangning ay makwekwestiyon at ang kanyang iskandalo ay sisiklab muli.
Mangangahulugan din ito na ang mga pamamaraan ni An Zihao ay parang isang hamak na kasinungalingan na bumalik sa kanya dahil tila may isang bagay siyang itinatago; itinatago niya ang katotohanan na ang pribadong buhay ni Tangning ay talagang magulo at mayroon siyang hindi matukoy na relasyon sa ilang mga lalaki.
Kung ikokonsidera ang lahat, si An Zihao ay nasa gitna ng isang napakahirap na sitwasyon. Sa gitna ng kanyang mga opsyon, wala siyang pakialam kung masaktan man siya, pero ayaw niyang saktan ang patay na niyang pinakamamahal, o hindi rin niya gustong saktan ang nabubuhay niyang kaibigan.
...
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com