Sa Cheng Tian Entertainment, opisina ng CEO.
Ito ang unang pagkakataon na nakaranas ng ganoong klase ng atmospera si An Zihao. Ginagamit ni Lan Xi ang kanyang pagkakakilanlan bilang CEO para tanungin ang kanyang 'iresponsable' na manager, "Kung gusto nilang palitan si Ling Feng, ano naman ang kinalaman noon sa iyo? Bakit ikaw ang nagrekomenda ng pamalit sa kanya? Zihao, mas mabuting bigyan mo ako ng magandang paliwanag."
"Nalagay sa mahirap na posisyon si Tangning sa Moscow. Ngayon naman, ipinahiya siya ni Ling Feng. Mayroon din akong katanungan para sa iyo President Lan: bilang CEO ng management agency ni Tangning, sa palagay mo ba ay sapat na ang ibinigay mong pagsisikap para maprotektahan ang iyong artist?"
"An Zihao, ayusin mo ang pag – uugali mo!" ibinagsak ni Lan Xi ang kanyang mga kamay sa mesa at umangil ng galit. "Ako ang CEO ng Cheng Tian, sa gusaling ito, wala kang karapatan na pagsabihan ako."
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com