Ano man ang sinabi ni Han Ruoxue ay pawang katotohan. Sa buong panahon na sinubukan niyang i-frame si Tangning, ang taong tanging nakinabang dito ay walang iba kundi si Tangning lamang na sinundan na lamang ng Hai Rui Entertainment.
Pagkatapos na mabanggit ng Hai Rui, kapansin – pansin na ang katanyagan ni Tangning ay mas nadagdagan pa kasabay ng pagkamit niya ng mas marami pang tagahangga. Sa parehong oras, kinumpirma muli ng Hai Rui ang kanilang istado sa industriya; killing THREE birds with one stone.
Dumating na ang gabi. Umuwi si Tangning ng bahay para matagpuan lang si Lu Che na naglalakad ng pabalik – balik sa harap ng pinto ng kanilang bahay. Hinarap niya ito at tinanong, "Lu Che, bakit hindi ka pumasok sa loob?"
"Madam, nakauwi ka na pala." Nang makita si Tangning, tila ba nakakita ng tagapaglitas si Lu Che.
"Anong problema?"
"Ang kondisyon ngayon ni president ay hindi ganoon kaganda…"
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com