Huling round sa Group Arena.
Kahit na nagawang malinis ni Han Wenqing si Qiao Yifan sa huling round, hindi posible na hindi magtamo ng kahit na anong damage si Desert Dust sa sitwasyon na iyon. May 81% na natitirang health ang kanyang Desert Dust.
Masigla ang Winward Formation ni Wei Chen pero sa maliit na pangunguna, paanong papaboran n kahit na sino ang dating heneral na ito? Kahit ang mga taga-hanga ng Happy hindi mapakali. May ilan na nahihirapan intindihin ang pagaayos ng Happy para sa group arena. Nagpadala ng Phantom Demon ang Happy na hindi nababagay sa 1v1, bilang pang apat nilang manlalaro. Ang pang-lima naman ay si Wei Chen. Hindi ba't ibig sabihin hindi plinano ng Happy na maglatag ng malupit na bayani sa huling sandali?
O hindi kaya ang pangatlong manlalaro nilang si Fang Rui ang magaling nilang heneral? Ang intensyon ba nila sa group arena ay 3v5?
Pero wala sa mga posibilidad na iyon ang lohikal.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com