Noong lumapit si Chen Gou, siya at si Ye Qiu ay nakabalot sa makukulay na papel. Tinignan nila ang isa't isa, pero hindi nila alam ang sasabihin. Sakit ang naramdaman ni Chen Gou sa kanyang puso noong makita niya si Su Mucheng na aburido at lumapit para tignan ang party popper sa kanyang mga kamay: "Hindi mo na ito magagamit ulit?"
"Hindi. Isa, isang beses lang at masisira." Sagot ni Su Mucheng.
"Tignan ko." Iniabot naman ni Ye Qiu ang kanyang kamay.
Ibinigay naman ito ni Su Mucheng. Kinuha naman ito ni Ye Qiu at pinagaralang mabuti. Ilang sandali lang, napabuntong hininga rin siya: "Tama. Sira ito. Hindi ito magagamit."
"Naintindihan mo ba?" Pumunta naman si Chen Gou. Hindi siya masaya sa pagbagsak ng salita ni Ye Qiu ng mabilis.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com