Sa totoo lang, nalungkot talaga si Zhang Xuan.
Akala niya na si Zhang Chun, bilang isa sa pinaka mahusay na henyo ng Zhang Clan, sa pakikipag tulungan sa apat na iba pang eksperto, ay kahit papaano magagawang magbigay ng hamon sa kanya kahit na ang kanilang cultivation ay binaba na sa kaperehong lebel. Subalit, ng magsimula silang umatake, naintindihan niya na masyadong malaki ang inaasahan niya mula sa kanila!
Ngunit pinagiisiapan itong muli, inaasahan niya na ito.
Dati, ng ang kanyang zhenqi ay umabot na sa Leaving Aperture realm primary stage, nagawa na niya na matagumpay na malagpasan ang Jia Corridor. Ngayon, gamit cultivation ng kanyang pisikal na katawan at soul cultivation na magkapantay na ang lebel, walang paraan para sila Zhang Chun at iba pa, gaano man sila katalentado, ay makakahapantay sa kanya.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com