Gamit ang lason, napatulog nila ang lahat ng sampung libong tao sa palasyo. Habang ito'y para iligtas si Liu Yang, at nararapat lang din kay Chu Tianxing ang nangyari… ang problema ay ang balitang ito ay talagang nakakagulat!
Kung ang mga lalakeng iyon na naparoon upang pumatay at hindi magligtas, sinong makakapigil sa kanila?
Kapag kumalat ang balitang ito, magkakagulo ang mga tao. Magsisimulang matakot ang lahat para sa kanilang kaligatasan. Ang mga emperador ng iba pang mga Conferred Empire ay matatakot na din para sa mga sarili nila, takot na baka ang mga lalakeng iyon ay isunod na sila balang araw.
Ito rin ang dahilan kung bakit sinentensyahan ni Song shi ang mga ito ng kamatayan ng walang alinlangan, at kahit pati si Yao Mantian ay walang nakitang pagkakamali sa ginawa niyang desisyon.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com