Nakikita ni Zhang Xuan ang dahilan sa likod ng isipan ninna Luo Qiqi at Yu Fei-er, pero dahil mayroon na siyang taong minamahal, hindi niya gusto na masangkot pa sa iba. Kahit na hindi maiiwasan na malulungkot sila sa loob ng ilang panahon, mas maganda na rin ito kaysa patagalin pa ang kanilang mga pasakit.
Kadalasan, ang pag-aalinlangan at hindi kasiguraduhan ang nakakasakit sa iba sa isang relasyon.
Pagkatapos niyang panoorin si Yu Fei-er na umalis, tahimik na nakatayo si Zhang Xuan ng ilang sandali para pakalmahin ang kanyang naguguluhang isipan bago nagtungo para hanapin si Hall Master Xing.
Ang mas importante sa ngayon ay ang lutasin ang isyu kay Vicious. Kung hindi, kung hahayaan nila ang nilalang na iyon, maikling oras na lang bago magkaroon ng malaking kaguluhan sa Qingyuan Empire. Maraming mga master teacher an mawawalan ng buhay, at kahit si Zhang Xuan ay malalagay sa delikadong posisyon.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com