Ang haligi ay gumuho, ngunit dahil ang bulwagan ay pinagtibay ng ilang mga formation, ito ay kinakaya pa sa ngyon.
"Ano ang nangyari?"
"Paano napinsala si Musician Bai?"
"Anong nangyari?"
Sa sobrang sandaling oras simula ng kanilang tapatan, si Musician Bai ay malubhang napinsala, humampas sa haligi at nagdulot sa buong bulwagan na yumanig. Dahil sa malaking kaguluhan, nagising ang mga tao sa kanilang mundo at nagkatitigan sa isa't isa na may naguguluhang mga ekspresyon, nalilito sa pangyayaring nasa harapan nila.
Mukhang wala namang mali sa pagtugtog ni Musician Bai, kaya bakit na lang siya nagsimulang sumuka ng dugo at masira ang haligi?
Siya ay laging kilala dahil sa kanyang kalmado at maayos na katangian. Mayroon bang turnilyo na nalaglag sa kanyang ulo ngayon?
Anong nangyari? Napatigil, si Yu Shenqing ay biglang humarap kay Zhang Xuan.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com