Pagbalik niya sa kanyang silid, naramdaman na ni Zhang Xuan ang pagod sa buo niyang katawan.
Halos dalawang araw na rin ang nagdaan nung makabalik siya sa paghahanap niya sa Firefly Fruit, at wala pa din siyang oras para magpahinga. Higit pa dun, ang pagiging amo ng maraming spirit beasts at saint beasts ng Cloudmist Ridge ay nagbigay ng malaking pasanin sa kanyang kaluluwa.
Kung hindi dahil sa malaki niyang kaluluwa, hindi niya magagawang magpatuloy. Ganun pa man, nang mawala na ang tension sa kanyang katawan, nakaramdam siya ngmalalang pananakit ng ulo.
Bago matulog si Vicious, tinulungan niya akong pakialamanan ang kaluluwa ng Bluehorn Dragon Beast para matanggal ang kamalayan nito. Magagamit ko yun para mapagaling ang aking sugatan na kaluluwa. Paghinga ng malalim, inilabas ni Zhang Xuan ang kaluluwa ng Bluehorn Dragon Beast bago niya inilabas ang kanyang kaluluwa.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com